Chapter Six

290K 7K 375
                                    

"Oh, ang aga mo ata?" Gulat na sabi ni Arcee nang madatnan niya ako sa opisina ko. Mayroon siyang hawak na kape sa kanang kamay at isang long folder naman sa kabila.

"Maaga lang akong nagising." I reasoned while reading a document. I just had a toast and coffee earlier before going to work.

"Kamusta naman ang pagiging ulirang ina mo sa mag-ama kahapon?" He took a seat in front of me and placed his coffee on my table.

Agad akong napangiti sa sinabi niya. "We had some quality time yesterday. I bought Theodore two books and we ate dinner in a Chinese restaurant." I told him while smiling from ear to ear. Arcee was just narrowing his eyes on me like I was a suspect in a crime.

"Tapos?" Tanong niya na para bang may inaantay pa siya na dapat kong sabihin sa kanya.

"Umuwi na rin ako pagkatapos." Sabi ko sa kanya pero hindi nakaligtas ang ngiti ko sa mga mata niya.

"Bakla ka! Kilala kita, Marse! Umawra ka na naman nang bongga kagabi ha!" Hindi ko na napigilang ang sarili kong tumawa. Arcee knows everything about me, he's almost a sister to me. Kung mayroong mga taong ayokong mawala sa akin, isa na siya roon.

"Alam mo naman kasi iyon, Marse. Kailangan pa bang sabihin ko sa'yo?" Agad niya naman akong inirapan.

"Sinasadya mo talaga akong inggitin 'no?" Mataray niyang sabi sa akin.

"Bakla, alangan namang ikaw ang makinabang? Walang bahid si Francisco at hindi siya paminta tulad mo. Hinding-hindi ka niya papatulan, sorry." Mataray ko rin sabing sa kanya.

"Para ipaalala ko ulit sa'yo, Marse. Walang matigas na lalaki sa binabaeng magaling sumubo." Sabi niya sa akin. Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niyang iyon.

"Bruha ka! Iyang bibig mo nga minsan linisin mo na at punong-puno na ata ng dumi ng mga lalaking kinakalantari mo!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Aba, baka hindi mo alam na maraming lalaki na ang napaungol ng bibig kong ito?" Tinaasan niya ako ng kilay na para bang proud na proud pa siya sa sinabi niya.

"Marse pwede ba? Alam ko namang ganyan ka pero bakla, naiimagine ko ang mga pinaggagagawa mo kaya tumahimik ka na lang, please?" I sarcastically told him and went back to the document I was reading.

"Akala ko ba tanggap mo na ang diwata mong kaibigan? Bakit parang diring-diri ka sa akin ha? Huwag mo nang ipapaayos 'yang kilay mong naligaw na ata ng landas sa akin ha!" Hinablot niya ang buhok ko at mahina akong sinabunutan.

"Ito naman, parang hindi na mabiro!" Sabi ko sa kanya pero ang bakla, inirapan lang ako.

"Huy, ito naman kung mag-inarte akala mo babae. Sorry na! Ililibre na lang kita mamaya ng lunch!" Ngumiti ako sa kanya.

"Kung hindi lang talaga kita kaibigang bruha ka!"

"Love you, Marse!" Tinapunan ko siya ng ngiti. Sumeryoso naman ang mukha niya at tumitig sa akin.

"Ikaw ha, hindi ako nagkukulang sa mga paalala ko sa'yo. Huwag mong hintayin ang oras na baka matali ka sa dalawang 'yan. Mahirap masaktan, alam mo 'yan." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Alam ko naman iyon, Marse. Sinasabi ko naman sa kanila na hindi sa lahat ng oras nasa tabi nila ako." Huminga ako nang malalim at sumandal sa upuan ko.

"Hindi naman sila ang issue rito, ikaw mismo. Baka ikaw ang masanay na laging nasa tabi mo ang mag-ama. Paano kung makahanap na si Francisco ng iba? Ano nang balak mo? Iiyak ka na lang? Kawawa naman 'yang kipay mong pinagsawaan niya." Natigilan ako sa sinabing iyon ni Arcee.

Ilang beses ko na bang naisip ang bagay na 'yan? Alam ko namang darating ang oras na makakatagpo si Francisco ng babaeng para sa kanya, iyong mamahalin siya at mamahalin din niya pabalik.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon