Chapter Twenty Three

224K 5.7K 674
                                    

"Sino na naman ang kasama mo, Ate?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya nang makita kong inihatid siya ng isang magarang sasakyan.

"Kahit naman sabihin ko kung sino iyon, hindi mo rin naman makikilala." Sagot niya sa akin habang inaayos ang gamit niya. Huminga naman ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Hindi ka pa rin ba titigil sa ginagawa mo, Ate? Makakatapos na naman ako, isang taon na lang. Ayoko namang magkasakit ka dahil sa ginagawa mo. Maayos na naman ang lagay natin." Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Camila, alam mong mahal ang gamutan ni Toto." Sagot niya sa akin. 

"Nakaipon ka na naman ah? Bakit hindi na lang tayo magtayo ng business? Pagtutulungan natin. Matigil ka lang d'yan sa ginagawa mo." Pagpupumilit ko sa kanya.

"Camila..."

"Ate, gumagamit ka ba ng droga?" Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Seryoso siyang napatitig sa akin na para bang nakakita siya ng multo.

"Ano'ng pinagsasabi mo, Camila?! Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Galit niyang sabi sa akin.

"Lagi kong nakikita na inihahatid ka ng sasakyan ni Robert. Alam mo na kilalang drug pusher siya at ayokong madawit ka sa kanila, Ate." Kalmado ko pa ring sabi.

"Dahil ba sumasama na ako sa kanila, ibig sabihin nagdodroga na ako?"

"Hindi pa ba, Ate?" Mabilis kong sagot. Agad na lumapat ang palad niya sa mukha ko.

"Ang kapal ng mukha mo, Camila!" Tumaas ang boses niya.

"Ate, ayoko lang na mapahamak ka sa ginagawa mo! Binubulag mo ang sarili mo sa pera! Hindi ka ba naaawa para sarili mong kapakanan?" Agresibo kong hinawi ang mga luhang walang tigil na tumakatakas mula sa mga mata ko.

"Nagbabago ka na, Ate. Hindi na ikaw iyong kapatid namin na mas pipiliin ang normal at disenteng trabaho para lang buhayin kami."

"Ngayon, sinusumbatan mo ako? Bakit Camila? Sa tingin mo ba madali para sa akin ito? Sa tingin mo ba ginusto ko 'to? Camila kung may pagpipilian lang ako, mas gugustuhin ko pang magsaka na lang sa bukid kesa gawin ang mga bagay na ayaw ko namang gawin para lang mabuhay tayo lalo na si Toto! Nasasaktan ako kapag nakikita siyang nahihirapan dahil sa sakit niya, nadudurog ang puso ko at hinihiling ko na sana ako na lang ang may sakit, hindi na lang siya! Ikaw ba, Camila? Naiisip mo ba 'yon? Nararamdaman mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Hindi! Kasi makasarili ka! Matalino ka nga pero hindi mo pinapagana ang utak mo! Kaya huwag mo akong susumbatan dahil sarili ko ang isinasakripisyo ko, mabuhay lang kayo!" Umiiyak niyang sabi. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya at umiyak lang din ako.

One Summer NightWhere stories live. Discover now