Chapter Fifteen

246K 6K 591
                                    

"Ate Jo, si Theodore ba napakain mo nang maayos?" I asked, trying to suppress my yawn. Nagising ako nang maaga at si Theodore agad ang pumasok sa isipan ko. Francisco is still sleeping on my bed and I'm pretty sure he'll have a hangover when he wakes up.

"Opo, Ma'am. Napakain ko na po at napainom ko na rin ng vitamins niya." She replied, assuring me that everything is alright.

"Pwede bang pakausap ako kay Theodore, Ate?" I requested. I'd like to start my day hearing Theodore's voice.

"Ay walang pong problema Ma'am, saglit lang po." Ani Ate Jo at narinig ko sa kabilang linya na tinatawag niya ang pangalan ni Theodore.

"Good morning Mommy Cami!" A smile immediately formed on my face when I heard his energetic voice. He obviously had a good sleep.

"Good morning baby! Kumain ka ba nang marami?" I said, smiling from ear to ear even though I knew he wasn't able to see it.

"I ate a lot, Mommy Cami!" He sounded so happy.

"Bakit masaya ata ang baby ko? Hmmm?"

"Because Nanay Jo told me that you are with Daddy right now! It means, you are not mad to Daddy anymore!" Tuwang-tuwa na sabi ni Theodore.

"Be good at school, okay? I will see you tonight. We will eat at your favorite restaurant." I promised him.

Narinig ko namang nagsisigaw sa tuwa si Theodore sa kabilang linya at narinig ko rin ang pagsuway sa kanya ni Ate Jo.

"Just promise that you'll always be a good boy, okay? Love you baby!" I told him and kissed him on the phone.

"Lurv you a lot, Mommy Cami!" He told me and answered my kiss with a big mwah. What a great morning to start my day.

"Ma'am, ihahatid ko na po sa school si Theodore." I immediately looked at my wrist watch to check the time.

"Sige po, Ate Jo. Ikaw na ang bahala sa bata ha? Mamaya naman nandyan ako." I replied.

"Sige po, Ma'am." Saad niya bago ibinaba ang tawag.

I headed towards the kitchen to make some coffee. I'm still sleepy but it's hard for me to get back to sleep so I decided to make some breakfast for the two of us.

I took my time preparing our food until he woke up. Sapo-sapo niyang ang kanyang ulo nang lumabas siya ng kwarto ko. Napaiwas pa ako ng tingin dahil tanging boxer shorts lang ang suot niya. Get yourself, Camila! Nakita mo na ang lahat sa kanya kaya h'wag kang mahiya! Sabi ng isang boses sa isipan ko.

Bakas naman sa mukha niya ang gulat nang makita ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"I—I don't know how I get here, may ginawa ba ako kagabi?" Mababa ang boses niyang sabi na para bang hiyang-hiya siya sa akin.

"Marami." Sabi ko at muling ibinalik ang atensyon ko sa pag-hahain sa lamesa.

"Tangina." Narinig kong mura niya sa likuran ko. Gusto ko namang tumawa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Umupo ka na rito at hindi pinaghihintay ang pagkain." Masungit kong sabi sa kanya at parang bata naman siyang sumunod sa sinabi ko.

"Uminom ka ng kape para mahimasmasan ka." Sabi ko pa sa kanya at sumunod naman siya.

Pinapanood ko lang ang bawat galaw niya at batid kong hindi siya makatingin sa akin nang maayos.

Nagsimula siyang kumain at umupo naman ako sa harapan niya para sabayan siya. Tahimik lamang kaming pareho at nakamasid lang ako sa kanya.

"Hindi minamadali ang pagkain, Francisco." Sabi ko nang mapansin kong parang nagmamadali siyang kumain.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon