Chapter Thirty Seven

282K 7.6K 1.2K
                                    

Pakiramdam ko ay gusto ko na lamang lamunin ng lupa sa pagkapahiya sa sinabi ni Francisco. He's right, I do not belong to his family, kaya ano nga bang ginagawa ko rito?

"Francisco, watch your words." Isang maawtoridad na boses mula sa likuran ko ang nagsalita. It's his father.

"We talked about this, Francis..." Sinegundahan pa iyon ni Tita Freen na nakabihis na rin at mukhang handa ng umalis.

"Mom, hindi naman ako pumayag na isama ang babaeng iyan. Para saan? Para isiksik ang sarili niya sa anak ko at magpaawa?" Matalim ang bawat salitang binibitiwan ni Francisco at para iyong mga palaso na sunod-sunod na tumatarak sa dibdib ko.

"M-Ma'am, uuwi na lang po ako..." Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan na ako nang sobra sa mga sinasabi niya.

Doon naman ako magaling, ang magpanggap.

"No hija, stay. Besides, I already told Theodore that you'll be here. Your son is so excited to see you. Nasa taas pa kasi siya at binibihisan ng Nanny niya." Ani Ma'am Freen.

Kahit naman papaano at gumaan ang loob ko sa sinabi niya.

"Your son? Are you kidding me, Mom?"

"Francisco, pwede ba? Can you please at least try to be civil?" Bakas ang pagkairita sa boses ni Tita Freen.

Sana pala hindi na lang talaga ako tumuloy, nang sa gayon ay hindi sila nagkakagulo katulad nito.

"Fine!" Padadog na sabi ni Francisco at tumalikod sa amin. Ningitian naman ko ni Tita Freen, assuring me that everything will be fine.

"Mommy Cami!" Napaangat ako ng tingin sa taas nang marinig ko ang boses ni Theodore.

Agad na rumehistro ang ngiti sa mukha ko nang makita ko siya. Nagmadali itong bumaba at tumakbo papalapit sa akin.

Sinalubong ko naman siya ng isang mahigpit na yakap.

"I miss you so much, Mommy Cami!" Tuwang-tuwa niyang sabi. Binuhat ko naman siya at pinigilang umiyak.

I wanted to tell him that I am his real mother. Na ako ang nagdala at nagluwal sa kanya sa mundong ito. But I couldn't help to be ashamed of myself.

Ano ang isasagot ko kapag tinanong niya ako kung bakit ko siya iniwan?

Wala.

"I miss you too, baby. Good boy ka ba? Do you eat a lot?" I asked and showered him with my kisses. God, I miss my son so much! It was a torture not seeing him for a long time.

"Mm-mn! I always eat a lot, Mommy Cami! I gained weights and I'm a good boy! I read my books and always do my homework on time, right Daddy?" Ngiting-ngiti nitong sabi bago bumaling ng tingin sa kanyang ama. Hindi ko naman napansin na malapit na pala sa amin si Francisco dala ang dalawang malaking bag.

Hindi naman siya kumibo at walang emosyong tumingin sa akin bago kami lagpasan.

"Good! Mamaya may ibibigay ako sayo dahil good boy ka!" Agad kong iniwas ang atensyon ng bata sa kanyang ama. Ayokong mapansin niya na mayroong mali sa amin ni Francisco. Pero duda akong hindi niya iyon malalaman. Theodore is smart and very observant.

"Really? Lurv you, Mommy Cami!" Nakangiti niyang tugon sa akin. Hindi ko naman mapigilang mangalay habang buhat siya. My son is growing really fast. Kung pwede nga lang sana na makita ko siyang lumaki habang buhay, hindi ako magsasawang alagaan siya.

"Theo, would you like to introduce your Mommy Cami to your cousins?" Ani Tita Freen.

Nanlaki naman ang mga mata ni Theo at tumango sa sinabi ng Lola niya. Ibinaba ko siya at agad niya akong hinatak papalapit sa mga pinsan niya na nasa may sala.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon