Chapter Thirty One

240K 6.5K 513
                                    

"To, kumain ka na muna." Sabi ko sa kapatid ko na kanina pa nakaupo at nakatitig sa harap ng kabaong ni Ate Selena. Hindi naman siya kumibo sa sinabi ko kaya huminga ako nang malalim.

"To, magagalit si Ate kapag hindi ka kumain. Hindi ba sabi niya magpagaling ka para maging Doctor ka? Paano ka gagaling kung hindi ka naman kakain?" Bulong ko sa kanya.

"Ang daya ni Ate..." Mahina niyang sabi habang nakatitig sa kabaong ni Ate Selena.

"Ang daya-daya ni Ate..." Sabi pa ni Toto kasabay nang pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya.

"To..."

"Sabi niya love niya ako eh, ba't iniwan niya ako?" Tuluyan nang humagulgol ang kapatid ko kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"Love niya ako eh, love niya!" Naagaw niya ang atensyon ng mga taong nakikiramay sa amin dahil sa pag-iyak niya. Halos lahat ay naaawa sa amin, lalo na sa kapatid ko.

Mabuti na lang at pumayag ang mga magulang ni Arcee na sa kanila iburol si Ate Selena. Isa pa, ginamit ko rin ang perang iniwan ni Ate sa akin noong huli kaming nagkita kaya wala kaming naging problema.

"To, magpapagaling ka ha? Promise mo iyan kay Ate. Kasi matutuwa siya kapag gumaling ka." Pilit kong nilalakasan ang loob ko para sa kapatid ko. Ayokong nakikita siyang ganito at nangako rin ako sa Ate ko na kahit ano ang mangyari, gagawin ko ang lahat, gumaling lang siya.

"Kapag ba gumaling ako, babalik si Ate? Mabubuhay ba ulit siya?" Tanong niya. Pinunasan ko naman ang mga luhang tumatakas sa mga mata niya.

"Hindi na babalik si Ate, To. Pero magiging masaya siya kapag gumaling ka, naiintindihan mo ba 'yon?" Sabi ko at pilit na ipinapaintindi ang sitwasyon sa kanya.

Hindi naman siya sumagot at tanging pag-iyak lang ang nagawa niya. Niyakap ko lang siya nang mahigpit para kahit papaano ay maramdaman niya na nandito ako para sa kanya.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon