Chapter Nine

272K 6K 950
                                    

"Bakla ka! Ayan ang napapala ng pagiging malandi mo. Paano na lang kung nakita kang nandoon sa pamamahay ng anak niya? Saan na lang kita hahagilapin ngayon, aber?" Sermon sa akin ni Arcee nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kahapon.

"Ito naman, ang mahalaga hindi niya ako nakita. Ayoko namang kwestyunin niya pa ang buo kong pagkatao at kung ano pa ang isipin niya sa akin. Ayoko lang naman maging magulo pa ang sitwasyon." I took a deep sighed and averted my attention again to my laptop.

"Aba dapat lang, Camila Agatha Asuncion!" Napairap naman ako sa pagtawag niya sa buong pangalan ko.

"Bakit parang ang dami mo atang oras na guluhin ako ngayon sa trabaho ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Baka nakakalimutan mo Marse na may utang ka sa akin at ako ang iniwan mo sa meeting kahapon?" Mataray naman niyang sagot.

"O siya sige, bibigyan na lang kita ng lalaki mamaya." Tinapunan ko siya ng ngiti.

"Maraming lalaking nagkakandarapa sa ganda ko, Marse. Hindi ko na kailangan pa ng ibibigay mo. But speaking of lalaki, kasama pala sa meeting kahapon iyong ex-boyfriend mo na una mong iniyakan."

"Si Paulo Avelino?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Ambisosya! Kire! Makati! Higad!" Agad niyang sagot sa akin.

"Ito naman, hindi na mabiro. Sino ba kasi?"

"Ano, nakalimutan mo na? Si Harold, iyong sabi mong jutay ang anes." Sabi niya.

"Gaga! Wala akong sinabing jutay ha, wala namang nangyari sa amin ng lalaking iyon. Tsaka maling tao ang iniyakan ko noon." Rason ko sa kanya.

"In fairness naman kasi Marse, ang laki na ng pinagbago ng lalaking iyon! Mapandesal na ata at betsung ko iyong braso niya! Sarap yakapin at dilaan." Napangiwi naman ako sa sinabi ni Arcee.

"Hindi ka rin haliparot, ano?"

"Totoo kasi Marse! Mukhang dakota na siya ngayon! Ito pa, ikaw agad ang hinanap niya nang makita niya ako. He wants your number but I gave mine." Sabi niya habang kinikilig pa na akala mong bulateng inasinan.

"Malandi ka talaga, walang duda." Umiiling-iling kong sabi.

"So kamusta naman ang pagiging mother mo yesterday? Feel na feel mo na naman?" Bigla akong natigilan sa sinabi ni Arcee.

Napatitig ako sa kanya at muling huminga nang malalim.

"Maayos na naman iyong bata kaso alam mo na, masyadong malapit na ang loob namin sa isa't-isa." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Eh 'di ba iyon naman ang gusto mo sa una pa lang?"

"Hindi naman sa ganoon, Marse. Ang gusto ko lang naman ay makilala iyong bata, iyon lang. Wala naman akong intensyong iba. Besides, I can't resist him. Alam mo iyong ang saya-saya ko kapag kasama ko siya? Kuntento na ako na makitang tumatawa iyong bata, kahit hanggang ganoon lang." I explained to him.

"Basta Marse, alam kong may paninindigan ka. Kung pwede nga lang na hangga't maaga, umiwas ka na kasi hanggang sa huli kayo-kayo lang naman ang masasaktan. Lalo na iyong bata, alam mo naman naghahanap ng ina iyon. Kung may balak lang na seryosohin ka ni Francisco, tapos ang problema niyo! Kaso mukhang hanggang sa kama ka lang talaga niya."

"Ang sakit mo namang magsalita, Marse." Sabi ko sa kanya.

"Gaga, ako ang realidad mo. Ako ang magsasampal sa'yo ng lahat ng katotohanan." Sabi niya na may kasama pang hand gestures.

"Bakla na nga, baliw pa."

"Excuse me, bakla man ako sa iyong paningin, at least mas maganda ako. Kaya Camila Agatha, h'wag ako." Sabi niya na parang ginagaya pa ang paborito niyang linya na pinapanood sa T.V tuwing hapon.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon