Chapter Thirty Five

261K 7K 1K
                                    

"Buntis ako, Marse..." Hindi makapaniwala si Arcee sa sinabi ko. Napaawang ang mga labi niya sa gulat at bakas sa mukha niya na hindi niya inaasahan ang sinabi ko.

"Camilla paanong buntis ka? Bruha ka! Huwag kang magbibiro ng ganyan!" Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Arcee mababaliw na ako..." Mahigpit akong niyakap ni Arcee nang sabihin ko iyon sa kanya. Noong nakaraang Lingo ko lamang nalaman na buntis ako nang hindi ako datnan. Akala ko noong unang buwan, delay lang ako. Hanggang sa umabot ang dalawang buwan at hindi pa rin ako dinadatnan. Ayoko kasing isipin na buntis ako, ayoko dahil kawawa ang magiging anak ko at ang kapatid.

"Paano nangyari, Camilla? Wala ka namang boyfriend, paanong sabi mong buntis ka?" Litong-lito na tanong ni Arcee.

Humiwalay naman ako sa kanya at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Kung mayroon man akong pagkakatiwalaan sa ngayon, si Arcee iyon at ang Diyos, kung mayroon pa nga ba.

"Camilla, hindi ba't sabi ko gagawa naman tayo ng paraan para sa kapatid mo? Hindi mo kailangang ibenta ang katawan mo kung hindi mo naman gusto, pero paanong ibinigay mo sa isang lalaki na hindi mo naman kilala ang iniingatan mo?" Naguguluhan nyang tanong.

"Marse, hindi ko rin alam. Wala na akong pag-asa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano itong bata? Paano si Toto?" Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang malaman kong buntis ako.

"At paano ikaw, Camilla? Oo, wala na tayong magagawa sa nangyari at lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. Hindi naman kita iiwan at huwag na huwag kang mapaghihinaan ng loob..." Malumanay na sabi ni Arcee habang pinapakalma ako.

"Marse, ano na lang gagawin ko..."

"Camilla, kahit ano ang mangyari, huwag na huwag mong ipapalaglag ang bata. Tatandaan mong buhay iyan, regalo iyan sa'yo." Paalala sa akin ni Arcee.

"Arcee, kahit na ganito ang nangyari sa akin. Wala akong balak na patayin ang bata. Ako ang may kasalanan, ako ang dapat na magdusa hindi siya. Pero Marse, paano naman ang kapatid ko? Kailangan niya ngayon ng tulong, kailangan kong maipagamot ang kapatid ko."

"Sino ba ang ama ng bata? Baka makahingi tayo ng tulong sa kanya." Bigla ko namang naalala ang litrato ng lalaking iyon. Agad akong pumasok sa loob ng bahay at kinuha ang wallet ko. Ipinakita ko kay Arcee ang ama ng dinadala ko.

"Marse naman! Hindi ito ang oras para magbiro ka! Iyong totoong ama ng bata, hindi ilusyon lang." Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko sa tinuran ni Arcee.

Kung normal lang na sirkumtansya ang bagay na ito, marahil ay natawa na ako, pero hindi.

"Siya iyong ama ng dinadala ko, Arcee. Francisco Vincent Montemayor ang pangalan niya..." Seryoso kong sabi sa kanya.

Hindi naman makapaniwala si Arcee sa sinabi ko.

"Kaya ba bumigay ka agad, Camilla? Jusko, ganito pala kagwapo ang ama ng anak mo! Kaya pala bumukaka ka agad!"

"Arcee naman..." Hindi ko magawang tumawa sa sinabi niya.

Huminga ako nang malalim at tumitig sa sinapupunan ko. May bata nang unti-unting nabubuhay sa loob ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Pero nangingibabaw ang awa ko para sa kanya. Hindi pa man siya lumalabas, alam kong mahihirapan na siya.

Wala siyang kasalanan, kagagawan ko ang lahat ng ito. Kung mayroon mang dapat na mahirapan, ako iyon, hindi ang bata.

"Bakla, alam mo pangalan ng adonis na ito, 'di ba? Tignan natin sa internet baka mahagilap natin ang pangalan niya." Ani Arcee.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon