Chapter Twenty

243K 6.1K 695
                                    

"To, matulog ka na." Mahinahon kong sabi kay Toto nang makita ko siyang nakaupo sa may pintuan at naghihintay.

"Hindi pa nadating si Ate, sabi niya kasi may dala siyang donut. Konti nga lang ang kinain kong kanin para marami akong makain na donut pag-uwi niya." Sagot niya sa akin at muling bumaling ng tingin sa labas.

Huminga naman ako nang malalim at lumapit sa kanya para tabihan siya.

"Matulog ka na, To. Bukas naman pagkagising mo andito na si Ate dala ang donut mo." Sabi ko sa kanya at tsaka ko ginulo ang buhok niya.

Hindi naman siya sumagot at mukhang desidido nga talaga siyang hintayin si Ate.

"To, may sakit ka." Sabi ko sa kanya.

"Nag-pray naman ako, Ate Camila. Sabi ko kay Papa Jesus na mag-close na sana iyong butas ko sa heart." Sabi niya sa akin at ngumiti. Pakiramdam ko naman ay kumirot ang puso ko sa sinabi niyang iyon sa akin.

Nito lang namin nalaman na mayroon pa lang sakit si Toto nang dumalas ang pagiging hingalin niya at madalas siyang hinihimatay. Nang ipatingin namin siya, mayroon daw butas ang puso niya. Marami pang sinabi ang Doctor sa amin pero isa lang ang naintindihan ko, may malubhang sakit si Toto.

"Tulog ka na, To. Baka mamaya pa makauwi si Ate." Lumabi naman siya sa sinabi kong iyon.

"Kapag ba natulog ako, gagaling na agad itong heart ko?" Inosente niyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok niya.

"Mawawala lahat ng sakit ng baby Toto namin." Nakatawa kong sagot sa kanya.

"Ate hindi na ako baby, big na ako." Sabi niya at tsaka ngumiti.

"Tara na?" Sabi ko. Pinatayo ko na siya at dinala sa kwarto para patulugin.

Anim na buwan na ang lumipas simula nang tumakas kami sa bahay. Mabuti na lang at mayroong kaibigan si Ate na pinatira kami sa pinapauhan nitong bahay. Hindi ito ganoong kalakihan pero ligtas naman kami kung ikukumpara sa impyernong pinanggalingan namin.

"Tulog na ha, love you." Sabi ko sa kanya.

"Love you too, Ate." Sagot niya bago ipikit ang kanyang mga mata.

Lumabas din agad ako sa kwarto at bumalik sa sala para ituloy ang ginagawa kong script at para na rin mag-review dahil may exams ako bukas.

Mabilis na lumipas ang mga oras at hindi pa rin umuuwi ang Ate ko. Napapadalas na ang pag-uwi niya ng madaling araw at wala akong alam kung ano ba ang ginagawa niya.

Isang oras pa ang lumipas, dumating na rin siya dala ang isang box ng donut para kay Toto. May dala rin siyang supot ng pagkain.

"Oh bakit gising ka pa?" Agad niyang tanong nang makita niya ako.

"May tinatapos lang ako." Sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at inilapag ang pagkain sa harap ko. Hindi ko naman sinasadyang maamoy ang alak sa katawan niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Uminom ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kaunti lang, nagkayayaan lang kami ng mga kaibigan ko." Sagot niya sa akin at hinubad ang suot niyang sapatos.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya dahil napapansin kong napapadalas din ang paglalagay niya ng makeup sa mukha. Wala naman akong problema kung ano pa ang ilagay niya sa katawan, pero kilala ko ang Ate ko. Alam ko na hindi siya mahilig sa mga ganoong bagay at mas uunahin niya pang bilhin ang mga kailangan namin kesa sa mga bagay na hindi naman namin mapapakinabangan.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon