05

222 19 1
                                    

Mingyu's

Hanggang sa natapos ng mag-exam si Wonwoo di pa rin niya ko pinapansin, sinuot ko naman na yung face mask ko tsaka naka-hood na rin ako para kung may pumasok man dito sa store di ako mapapansin.

Naglakad na siya palabas kaya sumunod na ko sa likod niya "thank you for coming mga hyung" bati ni Inseong.

"Sige salamat din Inseong, aalis na ko" sabi ko habang kumakaway sa kanya.

"Feeling close" rinig kong bulong ni Wonwoo hyung.

Ano na naman kaya problema nito at mukhang mainit na naman ang ulo. "Hyung intayin mo ko!" Sigaw ko pano naman kasi ang bilis niyang mag lakad naka-tawid na agad siya.

"Good afternoon sir, mukhang tinatanghali kayo ah" bati sakin nung guard na nasa gate

"Good afternoon din po. Wala po akong pasok ngayon naisipan ko lang pumunta dito, pwede po bang pumasok? Di naman ako outsider eh sadyang wala lang akong pasok"

"Walang problema sige lang, pero syempre dumaan ka muna sa office wala kang suot na ID eh" sagot niya sakin. Napaka-higpit talaga ng school na to pero hehe napaka-lakas ko talaga palagi akong pinagbibigyan pati oy wag niyo kong isusumbong kala Wonu hyung sa sinabi kong mahigpit tong school na to ah

Bago ako tuluyang pumasok ng campus tinanong ko muna si manong guard "alam niyo po ba kung saan dumeretso yung nauna saking pumasok? Yung lalakeng mukhang masungit?"

"Si mr. Jeon? Parang lumiko ata siya papuntang parking lot" sagot niya

"Ah sige salamat po" maglalakad na sana ako nang may bigla akong maalala "ano wag niyo pong ipagsasabi na sinabihan ko siya ng mukhang masungit ah baka ipatanggal ako nun"

"Haha sige pangako di ko ipagsasabi"

Pagkatapos kong pumunta ng office dumeretso agad ako sa parking lot para mahanap yung kotse ni hyung. Nang mahanap ko na nakita kong medyo nakabukas yung bintana kaya alam kong nasa loob siya, ganun kasi yun pag nagiintay sa loob ng kotse binubuksan niya ng konti yung bintana ewan ko ba kung bakit.

Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now