19

116 16 0
                                    

Mingyu's

Nasa clinic kami ngayon ni Dr. Cho, siya ang doctor ng buong Seventeen kaya okay lang na makita niya na magkasama kami ni hyung "Wonwoo I already check your blood test, x-ray and CT scan. Everything seems to be normal so you'll be okay, you dont need to worry" sabi ni Dr. Cho

"Alam ko namang okay ako sila appa at manager-nim lang naman ang makulit na gusto pa kong ipa-check up" - Wonwoo hyung

"Syempre hyung para masigurado na okay ka"

"Pati rin pala siya makulit" turo ni hyung sakin

"Hyung naman eh"

Natawa si Dr. Cho dahil samin ni hyung "baka mag away pa kayong dalawa, bibigyan na lang kita ng pain reliever"

"Ay doc may mga bawal bang kainin o gawin si hyung? Ano dapat gawin para lumakas agad siya?"

"Wala namang bawal sakanya tsaka kailangan lang niya ng pahinga" - Dr. Cho

"Pati po pala kada sumasakit ang sikmura ni hyung pinapainom ko pa rin siya nung gamot na nireseta niyo dati, okay lang po ba yun?"

"Wow seriously Mingyu everytime na naka-schedule ang check up niyong lahat pumupunta sila dito ng mag isa, pero pag si Wonwoo palagi kang kasama tas palagi mo ring tinatanong kung ano ang mga kailangan niya. You really love your hyung huh?" - Dr. Cho

Bakit sa tono niya parang may alam siya? "D-doc hindi niyo po sinagot yung tanong ko" pag iiba ko sa topic

Nginitian niya ko "okay lang na i-take niya pa rin yun"

"Mauna na po kami baka may sunod pa kayong patient. Maraming salamat po" sabi ni Wonwoo hyung pag tapos tumayo at mag bow

Tumayo na rin ako at nag bow "salamat po Dr. Cho"

"Sige mag iingat kayo, especially you Wonwoo" - Dr. Cho

Tumango lang si hyung bilang sagot. Paglabas namin ng clinic pareho kaming nag suot ng mask at sumbrero para di kami ganong mapansin "deretso na ba agad tayong campus hyung?" Tanong ko sakanya

"Syempre, kailangan ko pang sunduin si Kyuki" - Wonwoo

"Sainyo ka ulit matutulog?"

"Hindi, dadalin ko si Kyuki kay eomma tapos sasama na ko sainyo pauwi satin" - Wonwoo

Ngumiti ako dahil sa sagot niya, ang sarap naman pakingan nung 'satin' pakiramdam ko nagsasama na kami sa iisang bahay ng kaming dalawa lang

"Bakit nga pala sumama ka pa sakin dito? May pasok ka pa ah" - Wonwoo

"Nag take lang kami ng exam nila Minghao eh sabi pag tapos na pwede na kaming umuwi"

Napahinto si hyung sa paglalakad at tumingin sakin "2 hours pa lang ang lumipas nung pumasok ka bago tayo pumunta dito, ano 2 hours natapos mo yung 4 na exam?"

"Oo hehe"

"Mingyu baka hinulaan mo lang yun" - Wonwoo

"Hindi ah! Binasa kong maigi yun bago ko sagutan"

Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now