09

145 19 4
                                    

Wonwoo's

Nagising ako bigla kasi kanina pa sumisiksik si Mingyu sakin, pati yung kumot sinakop na niya lahat "Mingyu ano ba hindi ka naman kakainin nung Diana na yun kaya umayos ka" hinigit ko yung kumot palapit sakin.

Maya maya sumiksik na naman siya "Gyu ano ba" kinuha ko yung cellphone ko para tignan yung oras 2:23 napaka-aga pa. Umupo ako para silipin si Mingyu kung gising ba kasi nakatagilid siya kaya di ko alam kung tulog ba to o gising "hoy gising ka ba?" Hindi siya sumagot, analog ko yung balikan niya "hoy umusog ka nga"

Umayos siya ng higa kaya nakita kong tulog siya bat ang lalim ng pag hinga niya? "Mingyu" tawag ko pero di pa rin siya sumasagot. Hinawakan ko yung noo niya, sobrang init niya.

Tumayo na ko sa higaan tas binalot sakanya yung kumot, tinignan ko yung temperature niya at ang higante may lagnat nga "yan na nga ba sinasabi ko eh nag paulan ka pa kasi" *sigh* pano ba mag alaga ng may sakit?

Ayoko naman gisingin sila eomma kasi pagod din yung mga yun si Seungcheol hyung naman di sinasagot yung tawag ko. Sumilip ako sa bintana tas nakita kong naka-bukas ang ilaw sa kwarto ni Soonyoung magkapitbahay kami, tinawagan ko agad siya

Hoshingkit dialing...

[Hindi pa sumisikat ang araw nami-miss mo na agad ako]

Tigilan mo ko ah ang aga-aga binubwisit mo agad ako

[Wow ako pa ngayon ah sino kaya sating dalawa ang tumawag ng ganto ka-aga]

Si Mingyu kasi-

[Ano naman pake ko kay Mingyu? Kanina pa siya hinahanap ni Seungcheol, kung iniisip mong magkasama kami pwes hindi]

Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now