08

179 21 4
                                    

Na-set na namin yung table nang biglang dumating ang appa ni hyung "Mingyu nandito ka pala. Mukhang lalo kang tumangkad ah" sabi niya ng makita ako

"Oo nga po eh hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang pagtangkad ko hehe"

"Mabuti dumating ka na sakto kakain na kami" Shinwoo eomma

Habang nakain kami si Kyuki kinukwento nanaman kung ano mga ginawa niya buong araw, kahit paulit ulit na yung kwento niya nakakatuwa pa rin siyang panoorin habang nagsasalita "nga pala kamusta naman ang Seventeen?" Tanong ni eomma samin

"Ayos naman po. Ngayon hindi masyadong busy kasi katatapos lang ng promotion namin"

"Palagi niyong iingatan ang sarili niyo ah wag magpapalipas ng gutom nang hindi kayo nagkakasakit" paalala ni eomma samin

"Syempre naman po, lalo na to si hyung hinding hindi ko hahayaan na magpalis to ng gutom para di na siya magkasakit ulit"

"Mingyu" tawag sakin ng appa ni Wonwoo

"Po?"

"Thank you for always being there for my son" - Wonhyuk appa

"Wala po yun. Inaalagaan din naman niya po kaming lahat tsaka pag may mga bagay kaming hindi alam siya ang nagtuturo samin, para kasing may google sa utak yan si hyung"

"Pinupuri mo ba ko o inaasar?" Tanong ni Wonwoo

"Minamahal" bulong ko sa sarili ko

"What?" - Wonwoo

"Pinupuri syempre, eto si hyung bingi"

"Sakin talaga nag mana ng katalinuhan yan si Wonwoo" pagmamayabang ni appa

"Oh talaga ba? Bat di ako na-inform tungkol dun?" Pambabara ni eomma

Don't Wanna Cry • MEANIEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن