10

182 15 16
                                    

Mingyu's

Pag gising ko nakita ko si hyung naka-upo sa upuan malapit sakin, nagbabasa "hyung" mahinang tawag ko sakanya

Mabilis niyang isinara yung libro niya saka mas nilapit yung upuan niya sa kama "okay ka na ba? May masakit ba sayo? Anong gusto mong kainin?" Hinawakan niya yung braso ko "medyo mainit ka pa rin, teka babasain ko lang ulit to" kinuha niya yung bimpo sa noo ko at nagsimula ng tumayo.

Pinigilan ko siya "hindi na hyung medyo okay na ko. Salamat" nginitian ko siya

"Wag mo na ulit hahayaan ang sarili mong magkasakit" - Wonwoo

"Opo hyung"

Tinggal niya yung kamay kong naka-hawak sakanya "Kukuha lang ako ng makakain mo, kanina ko pa narinig bumukas yung pinto sa kwarto nila eomma sigurado nakapagluto na yun"

"Sasabay na lang ako sayo bumaba, kaya ko naman na tumayo" pinilit kong tumayo kahit medyo nanghihina pa ko

"Kaya palang tumayo ah" paninita ni hyung

"Kaya ko naman talaga"

"Ewan ko sayo" tinulungan na niya kong tumayo. Palakad na sana kami palabas ng bigla akong natigilan "may problema ba?"

"Nahihiya akong humarap kala Shinwoo eomma"

"Bakit?" Naka-kunot noong tanong niya

"Kasi di na nga nila ako pinauwi para di ako maulan, pero eto ako ngayon may sakit baka magalit sila"

"Alam mong hindi ganun sila eomma kaya tigilan mo pag iisip ng ganyan" - Wonwoo

"Pero-" di ko natuloy yung sasabihin ko kasi bigla may kumatok sa pinto

"Kuya Wonwoo? Kuya Mingyu? Gising na po ba kayo?" Rinig kong sabi ni Kyuki mula sa labas. Bilib na talaga ako kay hyung kasi naturuan niya si Kyuki na kumatok muna bago pumasok sa kwarto ng iba

"We're awake. You can come in baby" - Wonwoo

Don't Wanna Cry • MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon