16

141 15 2
                                    

3rd Person's

"Hoy mga siraulo anong ginagawa niyo dyan ah!" Sigaw ng isang lalake na bigla na lang sumulpot

Nagsi-tinginan ang mga bumugbog kay Wonwoo sa lalakeng estudyante "gusto rin ata nitong mabugbog eh. Ano tara lumapit ka dito"

Binaba ng estudyante ang bag niya "ayoko pa namang sumasali sa gulo pag naka-uniform ako, kasi dala ko pangalan ng school. Kaso di ko naman pwedeng pabayaan si mr. Jeon Wonwoo kaya yaan na muna" unti-unting lumakad ang estudyante palapit kala Wonwoo

"Hyung tara na pabayaan na natin yan" sabi nung naka-red

"Ano ba duwag ka ba?! Mag isa lang yan oh!"

"Hyung hindi mo ba siya nakikilala? Tropa yan ni Youngbin na leader ng Roar"

"Ano namang pakialam ko dun? Mas madami tayo kesa sakanya"

"Baka magtawag siya ng resbak"

"Hoy ang dami niyong satsat kanina pa ko naiinip dito" sabi ng estudyante

Natauhan ang mga lalake at sinimulang sugurin ang estudyante, di mapagkakailang napaka-galing niya sa labanan kasi napapatumba niya ang mga lalake.

Sa kabilang banda hirap pa rin tumayo si Wonwoo kaya wala siyang magawa kundi tignan na lang ang nangyayari, pilit niyang tinignan ang estudyante para makita ang mukha nito kaso naka-talikod to sakanya

Nahila ng isang lalake ang polo ng estudyante na naging dahilan ng pagka-punit nito "loko ka iisa na nga lang polo ko pinunit mo pa"

Walang tigil na sapakan at sipaan ang naganap, hanggang sa lahat ng kalaban naka-higa na sa sahig "h-hindi pa tayo tapos" sabi ng lalake at pinipilit tumayo

"Edi sige intayin ko kayo tumayo dyan" agad namang kinuha ng estudyante ang cellphone niya ng bigla itong tumunog "Youngbin hyung! Balita? Nasan kayo?" Sabi nito sa kausap

Nang marinig ang pangalang Youngbin, kahit nahihirapan agad na nagsitayuan ang mga lalake para tumakbo paalis

"Problema ng mga yun?" Tanong ng estudyante sa sarili habang pinapanood ang mga lalake na umalis "ah! Youngbin hyung sige mamaya na lang ulit may kailangan pa kong gawin, ingat kayo dyan sa Jeju" ibinulsa na nito ang cellphone niya

Pinulot nito ang bag niya at dali daling lumapit kay Wonwoo "ayos ka lang? Ay hindi wag mo na pala sagutin ang tanga nung tanong ko" tinulungan nitong maka-tayo si Wonwoo

Inilagay ni Wonwoo ang hintuturo niya sa noo ng estudyante "Thank you" sabi niya nang tuluyan na siyang maka-tayo Vega Jeonu basa nito sa name plate ng estudyante

"Wala yun maliit na bagay- teka san ka pupunta?" Sabi nito nang nagsimula si Wonwoo maglakad palayo

Kahit nahihirapan pinilit ni Wonwoo maglakad "i need to find my sister"

Pinigilan ni Jeonu si Wonwoo sa paglalakad "si Kyuki ba?" Lumingon lingon ito sa paligid "Kyuki! Pwede ka ng lumabas!" Sigaw nito

Agad namang lumabas si Kyuki mula sa likod ng malaking puno at nagtatakbo papunta sa kuya niya "kuya" sabi nito at yumakap sa hita ng kuya niya

Don't Wanna Cry • MEANIEWhere stories live. Discover now