13

215 21 4
                                    

3rd Person's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik yung staff na inutusan bumili ng film, kaya nakatambay pa rin si Wonwoo't Mingyu sa rooftop "tapos alam mo ba hyung nung pagka-panganak sakin, ako raw yung pinaka-mabigat na baby sa hospital nung araw na yun 4.6 kg ako nun! Tapos ang galing pa kasi april 6 ang birthday ko oh diba 4/6 din ang number" kwento ni Mingyu

Natigil naman ang kwento niya ng biglang tumunog ang cellphone niya, pareho silang napatingin sa cellphone ni Mingyu "hu? Bakit gustong makipag-videocall ni Jungkook?" In-accept naman niya agad ang tawag at tinapat sa mukha niya ang cellphone

[Mingyu! Musta na?] - Jungkook

"Ayos naman. Teka bat napatawag ka?" - Mingyu

[May mga schedule ba kayo ngayon?] - Jungkook

Nakikinig lang si Wonwoo habang nag uusap ang dalawa

"Meron kaming photoshoot ngayon, pagkatapos nito wala na kaming ibang schedule" - Mingyu

[Nice! Aayain sana kita, sine tayo mamaya] - Jungkook

Bago pa makasagot si Mingyu dumikit na si Wonwoo sakanya para makita rin siya ni Jungkook [brother Jeon! Nandyan ka pala, nice to see you bro] bati nito kay Wonwoo

Tumango lang si Wonwoo "pasensya na magsisimula na kasi kami, mamaya ka na lang ulit tumawag"

[Ganun ba okay sige. Ano Mingyu sasama-]

Bago pa matapos ni Jungkook ang sasabihin niya hinablot na ni Wonwoo ang cellphone ni Mingyu at pinindot agad ang end botton. Tumayo na ito sa kinauupuan niya, in-off ang cellphone ni Mingyu at nilagay sa bulsa niya

Habang si Mingyu di makapaniwala sa ginawa ng hyung niya "hoy" tawag ni Wonwoo. Tinignan lang siya ni Mingyu, ni hindi man tumayo sa kinauupuan niya "wala kang balak bumaba?"

"Hindi pa naman nagsisimula ah?" - Mingyu

"Baka hinahanap na tayo" - Wonwoo

"Pero-" - Mingyu

"Isa" - Wonwoo

"Eh naman eh" - Mingyu

"Tatlo" - Wonwoo

"Ayoko pang bumaba-" - Mingyu

"Lima. Bahala ka dyan" tinalikuran na niya si Mingyu at lumakad na papunta sa hagdanan

Agad namang tumayo si Mingyu "si hyung naman di mabiro, eto na bababa na".

Hapon na nang makabalik sila sakanilang bahay. Nagkanya-kanya naman sila ng ginagawa, may kumakain, nanonood ng tv, nag co-compose, at natutulog. Si Wonwoo naman nakahilata lang sa kama at kung anu-ano iniisip.

"Hyung gala tayo" aya ni Mingyu na nakapag-palit na ng damit pang-alis

"Ayoko" walang buhay na sagot ni Wonwoo

"Hyung naman eh, nakabihis na ko oh" - Mingyu

Tinignan niya si Mingyu "bago ka kasi magbihis dapat tinanong mo muna ako kung gusto kong sumama"

"Ah basta sasama ka sakin ngayon" - Mingyu

"Ang kulit" - Wonwoo

Don't Wanna Cry • MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon