BOREEEEEDDDDD!!

76 10 1
                                    

Minsan tinatanong ko ang sarili
Ano na bang nangyayari?
Ano bang pagkakamali ko?
Ano bang pagkukulang ko?

hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?
Bakit ang pagmamahal ba sa akin, isang krimen?
Bakit kapag siya, kayang kaya mong ipagsigawan?
Gagawin mo pa ang lahat kahit ang bagsak mo ay sa kulungan

Ganun mo na ba siya kamahal,
Na hinahayaan mo pa siyang ako ay masampal?
Lahat ng sinasabi niya tungkol sa akin pakiramdam ko sinasampal ako,
Pero bakit nagagawa mo pa ring tumawa at ngumiti na Para bang ang saya saya mo

Siguro nga masaya ka na
Pero bakit kailangan MO pang gawin lahat ng to?
Ipapaalala ko sayo hindi ako bato!
Hindi ako bato para walang maramdaman
At hindi ako tulad mo para hindi masaktan

Oo!! Oo naiintindihan ko!na mahal mo siya at mahal ka niya
Sino ba naman ako para kalabanin pa siya?

Sa ganda pa lang talo na
Sa puso mo pa kaya?
Sana sinabi mo na lang
Sayang!

Wala na talaga eh
Wala na akong laban
Kasi alam ko kahit anong gawin ko
Siya at siya pa rin
Siya at siya pa rin ang nasa puso mo

Random Thoughts (Wattys 2018)Where stories live. Discover now