siya o ako?✔

28 7 1
                                    

Kumikinang ang Mata
Kaya nakikita ko Kung gaano ka kasaya kapag kasama siya
Handa akong magparaya
Para ika'y lumigaya

Aaminin ko.. Oo!! masakit!!

Pero.....kakayanin

Kakayanin kahit kitang kita ng dalawa kong mata ang iyong pagtingin
Pagtingin sa babaeng kahit kailan hindi ko kayang kalabanin

Dahil kapag ako'y lumaban.. Wala lang din
Talo pa din.......

Talo pa din dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal

Magkaibang magkaiba kami

Pagdating sa pakikihalo bilo lalo na't sa ugali
Tinanong ka nila at ako ang iyong napili

Pero bat parang may mali?

Baliktad ang nakikita ko
Parang siya din lang ang pinili mo
Ako ang kasama mo
Pero pakiramdam ko siya ang Hinahanap hanap mo

Sorry... naguguluhan ako
Natatakot ako........
Kinakabahan ako.....
Nasasaktan ako.....

Sorry Dahil hindi ako naniniwala sayo
Hindi ko lang talaga alam kung anong paniniwalaan ko
Lalo na't hindi ko talaga alam kung ikaw ba ay seryoso
Hindi ko alam kung nagsasabi ka na ba ng totoo

Kaya ngayon tinatanong ko
Siya ba o ako?

Random Thoughts (Wattys 2018)Where stories live. Discover now