Magmahal muli

24 5 1
                                    

Bubuksan na ang puso
Muling mangangako
Sana hindi na muling mabigo
At huwag ng Paliko liko

Itataya na muli ang puso
Kumpleto na ang mga piraso
Ikaw ang kumumpleto
Sa matagal ng hindi mabuo

Magtitiwala nang muli
Para hindi magsisi sa huli
Magpapakasaya na ulit
At sisiguradihing hindi na Pilit

Wala ng pagpapanggap
Dahil lahat ay ngayo'y aking tinatanggap
Aking niyayakap
Na ikaw na ang aking pangarap

Hindi na magiisip ng kung ano ano
Basta't ikaw ang nasa tabi ko

Hindi na matatakot
Dahil may tiwala na ako sayo na hindi mo ako pinapaikot

Hindi pinaglalaruan
Hindi na trip o kahit man lang biruan

Random Thoughts (Wattys 2018)Where stories live. Discover now