ANG DAHILAN

68 11 0
                                    

Isang tanong na napakahirap sagutin "mahal mo pa ba?"
Sa bawat oras na iniisip ko, kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha
Na Para bang ang tagal ng gustong kumawala
Dahil ngayon ang kondisyon ko'y malala

Sana patawarin mo ako dahil kinailangan na talaga
Ayaw kasi kitang makita na masaktan pa
Gusto ko makita kitang masaya kahit sa piling na ng iba

Hindi ko na rin sayo sinabi
Kasi alam kong mananatili ka lang sa aking tabi
Nasasaktan at pinipigilan ang paghikbi
At yung ang pinakaayaw kong mangyari

Dahil mas lalong hindi ko kakayanin
Kapag ang kapakanan ko ang lagi mong iisipin
Mas gugustuhin ko pang mawala ka na sa aking piling
At sana pagbigyan mo ako  dahil ito na ang huli kong hiling

Paalam dahil hindi ko na kaya
Hindi ko na kayang lumaban pa
Nanghihina na ako
Pagod na pagod na din ako

Sa kabaling buhay ika'y aking babantayan
At tatanggapin ko kahit gaano pa kasakit ang kabayaran
Ng ginawa ko sayong pangiiwan

Random Thoughts (Wattys 2018)Where stories live. Discover now