TAKOT

24 5 1
                                    

Gusto kong sabihing oo
Pero natatakot ako
Natatakot ako na baka magising ako
At malamang panaginip lang lahat ng to

Gusto kong sabihing oo
Para malaman ko kung ikaw ba ay seryoso
Pero takot akong masaktan lalo na't baka sabihin mong biro lang lahat ng to

Oo pwede na kaso di ko masabi ng deretso
Baka kasi magbago pa ang nararamdaman mo
At ipagpalit mo ko

Natatakot ako
Natatakot akong masaktan
Natatakot ako na sa Susunod wala na akong maramdaman
Natatakot ako na mawala ang ating pinagsamahan

Natatakot ako.....

Random Thoughts (Wattys 2018)Where stories live. Discover now