Ikaw lang...

27 3 1
                                    

Maraming nakikisawsaw
Pero pagibig ay pumapangibabaw
Hindi sumusuko
Dahil alam kong ikaw at ako sa dulo

Naiiyak..natatawa..kinakabahan..halo halo ang nararamdaman
Hindi sigurado kung magkakaroon ng istorya ang ating pagiibigan
Ngayon ika'y aking nasa harapan
Hindi alam kung san sisimulan

Hindi alam kung anong salita ang dapat bitawan
Hindi alam kung paano dapat umasta lalo na't ako'y kinakabahan

Pwedeng magtapos ...pwedeng maituloy
Pwedeng mawala....pwedeng manatili
Pwedeng ikaw....pwedeng ako

Pwedeng masaktan
Pero parte ito ng pagmamahalan
Ano pa nga ba ang gagawin ko?
Malamang isusugal itong puso para lang sayo

Tinuruan mo akong magtiwala muli
Kaya sana hindi ko ito pagsisihin sa huli
Magtutulungan tayo hanggang sa pinakadulo
Kahit magkaroon pa man ng gulo
Ito ang tatandaan mo

IKAW LANG ang nasa PUSO

Random Thoughts (Wattys 2018)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu