Mahal Mo Pa Ba Siya?✔

41 10 0
                                    


Oo, alam ko at nakikita ko

Nakikita ko..........

Kung paano mo siya kausapin,ngitian,asikasuhin at tignan

Una pa lang alam ko ng talo na ako eh

Kung paano mo siya tignan

Nakikita ko.......

Nakikita ko ang nais mong bigkasin
kaya bigyan mo ako ng dahilan

Dahil lalo lang akong naguguluhan

Hindi ko na kasi alam.........

Hindi ko na alam ang totoo sa hindi totoo

Hindi ko na alam kung paano......

Paano ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo...

Lalo na't nararamdaman ko.....

Nararamdaman ko na siya pa rin ang laman ng puso mo

Siya pa rin ang laging tumatakbo sa isipan mo

Siya pa rin ang kasama mo sa panaginip mo

siya pa rin ang nakikita mong kasama mo hanggang sa future mo

Siya at siya pa rin

Wala naman akong problema kahit siya pa ay tuluyan mong mahalin

Huwag mo lang sana kaming pagsabayin

Mamili ka ng isa at Makampante ka

Mahirap kasing umasa

Mahirap umasa na mapili mo tapos magugulat na lang kami kayo na pala

Mahirap umasa tapos malalaman ko may iba ka na pala

Natatakot ako.....

Natatakot ako na isang araw pagka gising mo

Sabihing mong

"ayaw ko na......pagod na ako......."

"ayaw ko na......dahil mahal ko pa din pala siya"

Natatakot ako

Takot na takot na mawala ka sa buhay ko

Kaya sana pagisipan mo

Pagisipan mong mabuti

Nang magkaalaman na.   [:)]


Random Thoughts (Wattys 2018)Where stories live. Discover now