tayo

30 8 0
                                    

Ano na nga ba tayo?
........................................................................

Araw araw kong itinatanong sa sarili

Dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari

May ikaw at ako,

Pero walang tayo

Lagi lagi tayong magkasama

Pareho pa tayong masaya

At hindi mo maitatanggi dahil nakikita ko sa iyong mga mata

Nagaaway pa tayo na Parang tayo'y mga Bata

Wala nga tayong ibang ginagawa kung hindi ang tumawa

Sana laging ganito.....masaya

Walang prinoproblema

Hindi natin kailangang isipin ang mga bagay bagay

Pero.....ano nga ba tayo

Bakit mo ginagawa lahat ng to

Hindi mo ba alam na nahuhulog na ako sayo

Habang tumatagal ikaw na ang tinitibok ng puso

Kaso natatakot ako malaman ang totoo

Lalo na't hindi ko alam kung ika'y seryoso

Natatakot ako sa pwedeng malaman ko

Natatakot ako na sabihin mong "kalokohan lang lahat ng to"

Walang kasiguraduhan kung mahal mo rin ba ako

Walang kasiguraduhan kung sa huli ay tayo

Ano na nga ba tayo?










Random Thoughts (Wattys 2018)Where stories live. Discover now