Chapter 8 - Sabbatical Leave

2.3K 75 4
                                    

Fast Forward..

NATHANIEL's POV:

Mabilis lumipas ang panahon. Naririto kami ngayon sa dating tambayan ng team.. Mahigit dalawang taon na rin ang lumipas ng huli kaming magkasama sama ng mga dati kong players. Madalas naman kami nagkakamustahan. Paminsan minsan lumalabas din pero di tulad ngayon na buong buo kami. Nasa bakasyon kasi ngayon si Steven kaya sinamantala namin ang pagkakataon. Parang kahapon lang ng una ko silang makilala. Mga totoy pa halos at parang mga walang muwang sa mundo. Pero ngayon... ang laki na ng pinagbago nila. Mga ganap ng lalaki at may kanya kanya ng disposisyon sa buhay. Hindi lahat nangareer sa basketball. Sabagay, noon pa man ay si Steve lang ang may ambisyon na ipagpatuloy ito kundi lang pumasok sa seminaryo. Ang iba ay may magandang trabaho at ang ilan sa kanila ay may sariling negosyo. Mayayaman kasi ang nasa RUN kaya mga bata pa lang ay entrepreneur na gaya ni Buddy. Ako? Coach pa rin ng Reinhard at Chairperson din ng Physical Education Faculty ng RUN. May kaya rin naman ako sa buhay pero passion ko na siguro ito. Kung tutuusin, tatlong taon lang halos ang tanda ko sa mga ito kaya nga naging magkakaibigan kami. Pero sa edad na 26, alam kong hindi na ako bumabata. Dalawa nga sa dati kong players ang may asawa na at apat ang nagpaplano na ring magpakasal. Mga heartrob eh kaya habulin ng mga babae. Samantalang ako.. single pa rin at walang karelasyon hanggang ngayon.

The Priest and IWhere stories live. Discover now