Chapter 17- Confused

2.1K 62 1
                                    

Ladies and gentlemen, I now present to you.. Mr and Mrs Sebastian Regalado.

Kasal ni Sheena ngayon sa kanyang long time boyfriend, businessman-doctor na si Basti. Dahil close sa ate nya, present ang buong team nila Steve sa wedding nito. Mixed emotion ang nararamdaman ng nakababatang kapatid ng mga oras na ito. Masaya dahil alam nya mahal ni Basti ang kanyang ate, malungkot dahil somehow, hindi na sya ang priority nito. Inggit dahil hindi nya mararanasang ikasal at Love???

Kanina habang nag eexchange of vows ang bagong kasal ay hindi nya mapigilang kabahan at kiligin. Naisip nya na masarap pa rin siguro ang may asawa. Yung feeling na magmamahal ka at mamahalin ka in return. There is now confusion in his mind.. specially to his heart.

"Kanina ka pa tahimik diyan ah. Anong iniisip mo?", nahalata ata sya ni Buddy. Halos patapos na ang wedding ceremony noon.

Hindi nya masagot ang kaibigan, buti na lang ay biglang nagring ang kanyang cellphone, pagkakataon para makaiwas. Lumayo sya kay Buddy upang sagutin ang kanyang tawag. Pero mas lalo ata syang na stress ng makita nya ang caller..

"Fa-father, napatawag po kayo?"

"Hello Steven, kumusta na iho. It's been a long time.. Di ka nagpaparamdam"

Oo nga pala, three months na syang di nagrereport kay Father Benjamin, ang pari na nag guguide sa kanya. Hindi naman sa nakalimutan nya, ang totoo ayaw nya lang tumawag at magreport kay Father Ben. May isang bahagi kasi ng puso nya na nag uutos na huwag ng bumalik sa seminaryo.

"I'm really sorry for that father. Quite busy lang"

"So, how are you doing? Baka masyado kang nag eenjoy. By the way tumawag ako to also remind you that in just one month, babalik ka na rito. And remember.. there is no turning back. I know that this is not the proper time and place to ask this question. But.. are you ready Steven?"

Tumayo lahat ng balahibo nya sa tanong ni father. Hindi nya maintindihan kung bakit kinilabutan sya sa kaisipang magpapari na sya... Next month at wala ng atrasan.

"Y-yes father, I understand.", parang umurong ang dila nya.

Seriously at this point of time, hindi nya alam ang sagot. Bakit ganon? Three years ago bago sya pumasok ng seminaryo, he is prepared to be a priest. When he entered into the seminary, mas lalong firm ang decision nya na he will become a priest. And four months ago lang bago ang Sabbatical leave, walang pagbabago sa kanyang decision.. Why now?

The Priest and IWhere stories live. Discover now