Chapter 22- Bestfriend's Wedding

2.1K 59 4
                                    

This Chapter is dedicated to jcCute09. Thanks for supporting me. And for the tough decision you made, I salute you :-)

Sa lahat ng readers and friends ko.. thank you and please continue to support me through your votes, likes and comments.. :-)

By the way wag bibitiw sa mga susunod na eksena. I'll assure you na mas kapana panabik ang mga ito plus may mga twist at revelations. Just keep on reading... Mwah :-)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ROXIE's POV:

Today is my bestfriend's wedding. I'm really happy for her dahil makakasama na nya for life ang lalaking mahal nya. Their love story has been like a fairy tale. Mahirap lang kasi si Dianne pero buti na lang at matalino kaya nakapasok sya sa Reinhard as full scholar. Napakaabilidad rin at sobrang raket ang daming pinasukan. Akalain mo, nakasurvive sa paaralan ng mga dugong bughaw gaya ni Buddy. Yes, he must be a prince. Mayaman, gwapo at matalino.

Sa isang banda ay malungkot rin ako. We're best of friends since first year college at seven years na kaming housemate sa condo. Hindi rin naman kasi ko ganon kayaman kaya kami agad ang unang naging close. Pareho kaming mataray, maingay at mababaw ang kaligayahan. May mga petty quarrel kami pero nasesettle kaagad kaya umabot kami sa ganitong stage ng pagkakaibigan. Pero starting today, hindi ko na sya makakasama. Mamimiss ko talaga sya at hindi pa nga kami tuluyang nagkakalayo ay naiiyak na ko sa kaisipang hindi ko na sya makikita araw araw.

"Rox, nagdadrama ka na naman dyan. Alalahanin mo ikaw ang maid of honor. Mamaya mukha kang patay dahil kakalat ang make up mo sa kakaiyak. Umayos ka nga", si Grace na pinapagalitan ako dahil nagsisimula ng tumulo ang luha ko. Napaka emosyonal ko talaga.

By the way, friends na nga pala kami ng dati kong mortal enemy na ito. Kaming tatlo actually, with Dianne.. mahirap paniwalaan pero after five years of rivalry sa pagitan naming dalawa, natapos din sa wakas. At ang classic dito, sya talaga ang nag effort na makipag ayos sa amin. Anong nangyari??

Flashback.. (seven months ago)...

"Grace.. kalimutan mo na si Steve. Hindi makatutulong ang araw araw na pagpunta sa bar para lang makalimutan mo sya",

Si Coach Nat, halos araw araw ay sinusundan nya si Grace. Natatakot sya sa maaring gawin nito dahil sa depression sa pag alis ni Steve.

"Alam naman natin sa simula pa lang na magpapari sya. Bakit hindi mo pinaghandaan ang bagay na ito? Tignan mo ang sarili mo, sinisira mo! Grace kailangan mong gumising sa realidad na walang kayo. Hindi ka nya mahal"

"Tigilan mo nga ako. Ikaw? Bakit ba lagi mo kong sinusundan? Hindi kita kaano ano at lalong hindi kita boyfriend kaya wala kang pakialam anuman ang gusto kong gawin"

The Priest and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon