Chapter 9 - Temptation

2.6K 70 0
                                    

Dianne's POV:

"Ang tagal naman ni Roxie, nasan na kaya ang babaeng yun",

I'm waiting for Roxie, magsiswiming kasi kami today sa Batangas, sa Rest House ng boyfriend kong si Buddy. Oh yes, kami na nga pala ni Buds. Kakalapit sa kanya ni Roxie para mapalapit sila ni Steve, kami ang nafall sa isa't isa. Two years na rin kami and still going strong. Actually sabit lang si Roxie dito. Ang totoo nyan outing ito ng buong team nila Coach Nat with family and partner. Sinama ko na si BFF para makita nya ang prince charming nya and I'm sure magagalit yun pag nalaman nyang kasama si Steven at hindi ko man lang sya ininvite.

Hindi nman sya mao OP dahil kaibigan din naman nya si coach at si buds.Yun lang, hindi ito alam ni Steve dahil hindi na namin pinagpaalam. Bahala na lang daw magkagulatan ang dalawa pag nagkita.

"Hi hon", bati ni Buddy sa kin. Nagulat ako sa mga kasama nya.

"Hon bakit kasama nyo yang babaeng yan? usig ko sa kanya ng makita kong kasama nila ni Coach Nat si Grace

"Nakiusap sa min ni coach na in case may gathering kami nila Steve eh isama naman namin sya"

"Ano? at pumayag kayo sa gusto nya? Alam nyo namang kasama si Roxie noh. Hindi pwede!"

"Hon.. dalawang taon ng walang encounter si Roxie at si Grace malay mo naman maging civil na sila pag nagkita. At pareho silang matagal ng walang Communucation kay Steve kaya pagbigyan na natin"

"Dapat priority mo si Roxie dahil kaibigan natin sya"

"Para ka namang bata nyan eh", inis na sabi nya sa kin.

"So ngayon galit ka pa sa kin dahil sa babaeng yan"

"Hon naman, wag naman tayo mag away. Ganito, wala namang partner si coach at si Steve di sila sila na lang apat. Si Roxie kay Steve at si Grace kay Coach"

"Siguraduhin mo lang Buddy dahil hindi ko kayang itolerate kapag nagmaldita yan. Ako ang makakalaban nya pag kinanti nya si Roxie"

Kakamot kamot lang si Honey ko habang nagtataray ako. Buti napakabait ng boyfriend ko at kaya nyang sakyan ang pagiging bipolar ko. Thanks to Roxie, nagkalapit kami nito dahil sa kanya

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ROXIE's POV:

Excited akong makita sya. Ano kayang itsura nya ngayon. Halos isang taon ko syang di nakita at nakausap. Kung bakit naman kasi napakailap nung lalaking yun.

Nung unang buwan nya sa seminaryo ay sumama ko kina Coach at Buddy para dalawin sya. Binati naman nya ko nun pero halatang pilit. Siguro nagulat kung bakit kasama ko. Sa mga sumunod na pagdalaw nila ay di na ko sinabihan. Nabalitaan ko kay Dianne na pinagbawalan sila ni Steven na huwag akong sumama kung hindi ay hindi nya lalabasin ang mga ito

"Lola ba't ngayon ka lang, anong petsa na?", si Dianne na nagtataray kaagad pagdating na pagdating ko. Sasagot sana ko ng may makita kong isang familiar na mukha sa sala.

Si Grace.. bakit andito sya? Bagama't lagi ko syang nakikita sa TV dahil commercial model sya, ngayon na lang uli kami nagkita after nyang gumraduate.

"Hello Roxie!", Bati ni Buds sa kin. By the way si Grace, kasama natin sya today.

Halatang nagulat din si Grace sa sinabi ni Buddy. Mukhang di din nya expected na kasama ko.

" Alright girls! Shall we?", basag ni Coach sa ackward moment namin. Anyway nagngitian naman kami ni Grace. Totoo yung smile ko, ewan ko lang yung sa kanya.

The Priest and IKde žijí příběhy. Začni objevovat