Chapter 24- First Kiss

2.1K 57 0
                                    

Nakarating na sila sa kabilang baryo. Umepekto naman ang gamot na ininom nya pero hindi pa rin masyadong maganda ang pakiramdam nya. Kadalasan, dalawang araw ang kalbaryo nya bago tuluyang mawala ang sakit nya.

"Dok, akala ko hindi kayo close ni Father. Bakit parang mas alam pa nya ang nangyayari sa iyo kesa sa min", shock sya sa tanong ni Nimfa.

Hindi dapat nurse ang career nito, reporter dapat.

"Bigla ka na lang nya sinundan ng pumasok ka ng tent. Pero bago yun, kumuha pala sya ng tubig."

Sabi na, nakita nito ang aksyon ni Steve kanina.

"Nagulat nga yung iba nating kasama. Sobrang tahimik kasi si Father at may pagkasuplado. Tapos pagdating sa iyo natataranta. Paglabas nya, sya pa ang nagsabi kung ano ang nangyari sa iyo. Sinabi ko na lang na magkaibigan kasi kayo ng college. Ayun, di na sila ulit nagtanong"

Good girl naman pala. At mukhang pinagtakpan pa sya.

"Dok, pasensya ka na ha. Pero kahit hindi mo aminin ang totoo, alam kong may something kayo ni Father. Siguro ex mo sya bago sya magpari. Pagdating pa lang nya, Iba kung paano ka nya tignan. Akala ko mali ako pero napatunayan ko yun kanina nung makita ko kung paano sya mag alala para sa iyo"

Hindi pala reporter ang nurse na ito, mas bagay na imbestigador.

"Nimfa, kung wala ka ng sasabihin mabuti pa ay matulog na tayo. Napakarami nating aasikasuhin mamaya at hindi pwedeng wala tayong tulog.", inis nyang saway dito.

Natakot ata si Nimfa sa kanya at madali itong nagpaalam para pumunta sa Nurse quarter.

"Sorry dok. Sige una na ko. Kita na lang tayo mamaya"

The Priest and IWhere stories live. Discover now