Makalipas ang tatlong araw ay nagkita na sila Roxie at ang kanyang mga magulang. Ito ay dahil na rin sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Ikaw ba naman ang may private plane at ama na may posisyon sa Philippine Airforce kaya madali na lang sa iyo ang lahat. Thanks to Arman Montemayor.
"Roxie, are you alright? Kanina ka pa walang kibo dyan. Okay naman ang parents mo, what's bothering you?
"Dianne, wala na yung bahay namin. Washed out din lahat ng lupain namin."
"Friend.. I know it's not okay. But look at the brighter side, buo pa rin ang family nyo. Materyal na bagay lang yun, kayang palitan"
"Yeah, I know. Pero hindi ganon kadali. Matatagalan bago kami makarecover"
"Iniisip ko nga kung magworking student muna ko para hindi na ko makadagdag sa pasanin nila daddy. Kasi kasama board exam, three years pa ang bubunuin ko at malaking pera pa ang kakailanganin namin"
"Roxie, mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aaral. Mapapabayaan mo ang isa, lalo ngayon mabigat na units mo. And I'm sure, di papayag ang daddy mo"
"But I have no choice. Ito lang ang naiisip kong paraan para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko"
"Walang titigil ng pag aaral at hindi ka magtatrabaho", mula sa likuran ay bungad ni Arman na ikinabigla nilang dalawa.
Sunday noon at kasalukuyan silang nasa Rockwell.
"Oh.. Arman, what are you doing here? Pano mo nalamang nandito kami?"
"May bibilhin kasi ko and it so happened na nakita ko kayong dalawa"
YOU ARE READING
The Priest and I
RomanceAno nga ba ang higit na mahalaga? Ang tawag ng bokasyon... o Ang tawag ng pag-ibig? (Pinalitan ko lang ang title at ang description. Ito pa rin yun " My Priest Charming " - Copyright April2014)