Chapter 38- Surprise

2.2K 57 0
                                    

Two weeks na kaming di nagkikita at nagkakausap ni Steve. Nabalitaan ko na lang na nagpunta sya agad ng Hongkong ng araw na nag away kami. Sinumpong ata ng pagiging bipolar at tinotoo ang pakikipagbreak sa kin. Pero aaminin ko na namimiss ko talaga sya at laging walang sigla ang araw ko simula ng umalis sya. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang sa ngayon ay ang pagmamahalan naming dalawa na dumaan na sa maraming pagsubok. Hindi naman siguro yun masisira na lang basta basta ng isang napakababaw na di pagkakaunawaan.

"Sis, iniisip mo na naman sya no?", puna ni Dianne ng maglunch kami.

"Wag mong masyado dibdibin yun, two weeks na lang uli nandito na yun. Nataon lang kasi na nag away kayo kaya hindi sya nagpaalam. Pero nakaschedule na talaga sya pumunta sa Hongkong. Nagpapalamig lang yun', sabi ni Buddy na mukhang kinocomfort ako.

"Grabe naman magtampo yang si Steve. Talagang natitiis nya si Roxanne. Imagine, two weeks nyang di kinommunicate ang bestfriend ko. Kahit ba sabihing mali ang ginawa nya, hindi ba pwedeng patawarin na nya si Roxie?"

"Parang di nyo naman kilala si Steve. Ano Roxie, tawagan ko na? Sabihin ko miss na miss mo na sya?", biro ni Buddy

"Sige nga Buds tulungan mo na ko. Ako kasi hindi nya talaga sinasagot. Deadma lahat ng text, emails at pm. Iniisip ko nga na puntahan na sya sa Hongkong para magkaayos na kami."

"Hep hep, yan ang wag na wag mong gagawin. At ikaw Buds, wag kang makikialam. Hayaan mong si Steve ang magkusa. Pambihira sya, talo pa nya ang isang babae. Lahat na nga ng effort ginawa ni Roxanne para suyuin sya pero batong bato.. walang reaksyon.', saway ni Grace

"At ikaw naman, bakit mukhang hindi ka na nagduduty sa clinic mo? Naging magjowa lang kayo pati career mo nalost."

The Priest and IWhere stories live. Discover now