Chapter 12- Friends

2.1K 69 0
                                    

BUDDY's POV:

Napakasaya ng araw na ito. Sa wakas ay natuloy din ang proposal ko. Kagabi pa sana to kaso dahil sa mga nangyari kahapon ay nagpasya kaming ipostponed.

Last night na namin to dito sa resort kaya kailangan sulitin. Masaya kaming nagkukwentuhan ng lapitan kami ni Roxie. Kailangan daw nya kaming makausap kahit mga 10 minutes lang.

"Sesermunan mo na naman ba kami?", biro ko sa kanya

"Hindi ako matanda para paulit ulit", nakangiting sagot nya.

"Congrats ha. Sobrang saya ko para sa inyo. Wag mong sasaktan ang best friend ko at makikita mo ang tapang ko"

"Roxie naman, itong gwapo kong to mananakit? Eh baka ako nga ang maagrabyado pag kasal na kami"

Kinurot ako ni Dianne sa tagiliran.

"Kunsabagay, sa taray ni Dianne ay di nya kailangan ng tagapagtanggol"

"Buti pa kayo engaged na"

"Hoy Roxie..", singit ni Dianne

"Baka nakakalimutan mo na hindi ka pa tapos mag aral ng medisina. Kaya pwede ba, itigil mo muna ang ilusyon mo sa engagement"

"At sinong ma eengage ng walang boyfriend aber? Yun muna ang hanapin mo"

"Pero Roxie, sayang talaga kayo ni Steven. Bagay kayo eh", seryosong sabi ko.

"Bakit mo naman nasabi yan? Ganyan din halos sinasabi ng lahat ng friends nyo. Pati..."

"Pati sino?"

"Pati family ni Steve", si Dianne na ang sumagot sa tanong ko.

"Oo nga eh. Kaso mukhang di na mababago yung plano nya. Yun yung palagi nyang sinasabi pag nag uusap kami nila Coach."

"Sa tingin nyo.. dapat ko na syang kalimutan? Minsan kasi natatakot din ako"

"Saan?"

"Na minamahal ko sya. Feeling ko, nilalabanan ko ang Diyos. What if yun talaga ang destiny nya. Nagkakasala ako dahil dun"

"Siguro nga ito na yung time para palayain ko ang damdamin ko. Baka kasi pag tinuloy ko pa at iprovoke si Steve, baka may masama ng mangyari sa kin"

"Ano ka ba sis.. Hindi ganon si God. He always want us to be happy. At kahit kailan, hindi kasalanan ang mainlove. Maiintindihan ni God yun, nainlove ka sa kanya nung hindi pa sya magpapari"

"Alam ko naman yun eh. Pero para matigil na rin lahat ng expectations sa ming dalawa, I'll set him free".

"Hmm.. Hello, Set him free? Roxie hindi sya nakatali sa iyo. Ikaw lang yung nakatali sa kanya ng hindi nya rin alam"

"Whatever Dianne. Anyway.. kausapin ko din sya today. Para may closure"

Tawa kami ng tawa ni Dianne. Ang lakas din ng tama ni Roxie. Akalain mo, hihingi ng closure kay Steve, bakit nag-open ba? Anyway, dahil kaibigan ko na rin ang babaeng ito ay tutulungan ko sya na kausapin ngayon si Steve ng maisara na ang dapat maisara sa isip at puso ni Roxanne.

Tamang tama naman na nasa tabing dagat ang kaibigan ko na nag iisa.

"Bro.. gusto ka daw kausapin ni Roxie"

The Priest and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon