Chapter 3: New Chapter

46.1K 1K 34
                                    

Chapter 3: new chapter

Nakauwi na ako. And I’m starting to pack my things. Kelangan ko nang gawin to. Ewan ko kung bakit nila ako pinagmamadali gayong hindi naman nila sinabihan ng ganon yung batch mates kong nakapasa. In fact, nasa school pa sila hanggang ngayon at pwede pang pumasok hanggang sa end ng school year. Sana maunawaan nila Heira at ng mga kaibigan ko kung ano ang sitwasyon ko ngayon.

Tinitigan ko ang cellphone ko. Pwede kaya to doon? I mean kahit man lang means of communication? Siguro naman pwede to kaya dadalhin ko na rin.

Napansin ko na hinahalungkat na pala ng kamay ko ang videos. Nakita ko dun ang isang video kasama ang mga kaibigan ko. Pinlay ko yun at napangiti ako. Ang saya saya naming nagkukulitan non. How I wish I won’t go to this school.

Ilang minuto pa at pumasok sa kwarto ko si inay. Mukhang alam nya na nalulungkot ako kasi after all naman she knows me well.

“anak, you’ll meet new friends there. May makikilala ka pang mga kaibigan and much better mga kauri mo silang elementalists.”

Napatingin ako kay inay. Nasabi ko na sa kanila yung decision ng school at ng Enchanted Academy. Natuwa nga sila sa akin eh. Kahit ako di masyado. in fact, hindi talaga.

“nay, never silang mapapalitan. Alam nyo naman pong sila lang ang nakatagal sa akin diba? and besides, how did you know that i'm an elementalist already?”

Ngumiti lang si inay at humakbang na palabas ng kwarto. “ i don't know. ang alam ko lang ay may magandang mangyayari sa iyo sa eskwelahang iyon. anak, everything has reasons. Wag mong pangunahan ang lahat. Dahil iisa lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Wag mong pangunahan ang nakatakda nang mangyari”

At lumabas na sya ng tuluyan sa kwarto ko.

Heira’s POV

Kagabi pa akong di pinapatulog ng sulat na to. Nagpatawag pa lang ng gala si Aouie alam ko nag may mali eh, may problema. At lalo pang tumindi ang hinala ko nung umiyak siya matapos nyang kantahin ang kantang ‘thanks to you’.

Ako nga pala si Heira Jean Austria. Sa aming lahat, ako ang pinakamatagal nyang naging kaibigan. Well, kasunod lang naman kay Natalie. So alam ko ang bawat galaw nya. I mean alam ko kung Masaya ba sya, malungkot, galit o wala sa mood. At sa ngayon alam kong may problema sya.

Naghanda na ako para sa school. Dumaan na ang service at sumakay na ako dito. Tahimik lang ang biyahe unlike nung nandito pa si Aouie. Dati lagi akong may kausap kaya lang ngayon absent sya. Nakakapanibago nga at umabsent sya eh. Hindi naman pala absent yung babaeng yon. Actually kahit may sakit sya napasok pa din sya eh.

Nagstart na ang klase at nakinig ako dun. Huh akala nyo hindi ako makikinig no? pwes nagkakamali kayo. By the way, wala pang nadating na sulat or anything na nagsasabing nakapasa ako sa test. Siguro bumagsak ako. Kasi ang alam ko personally yon sinasabi.

Natapos na ang klase at lunch break na. as usual nandito kami sa table namin. Kumpleto kaming lahat except lang kay Aouie syempre. nakakamiss sya. sya kasi ang nagsisimula ng ingay kapag nandito pa sya. kaya pag kasama namin sya, bihira ang awkward momments, unlike now.

Enchanted Academy [editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora