chapter 19: Activity

26.8K 575 34
                                    

Chapter 19:

Roshan POV:

“okay class, as you all know that we have our PE class for this afternoon.”

Malamang sir! Naka jogging pants nga diba? Nasa gym nga diba? Alangan namang mag klase tayo ng cooking dito ano? Okay… pilosopo mode activated.

“so.. today we will have a twist” twist? Panong twist? Twist ang katawan? Turn around? Klase ba to ng exercise? Nakaka curious naman! Ayaw pa kasing dire diretsuhin. Pabitin effect pa eh! Okay… high blood mode activated.

“ so I will group you into two.”

Iginrupo na ni sir ang klase namin. Hindi ko alam kung panong sistema ang ginawa ni sir sa paghahati ng grupo namin. Basta-basta na lang kasi nyang tinatapik ni sir yung balikat at sinasabi kung anong group number nila.

Nang matapos na ang groupings, tiningnan ko kung sino sino ang mga naging ka group ko. Waaa!!! Ka group ko si Pearl, si Nicolo, si Blair, at si…

Nasan si Amber?

Hinanap ko sya sa mga kagroup members ko pero hindi ko sya nakita. Pag lingon ko sa kabilag group, nandon sya. Nandoon sya kasama sina Clair. Wala akong galit kay Clair or something hah! Pero may napansin ako sa groupings na ito…

Hindi kaya pinaghiwalay ni sir ang mga estudyanteng nadiscover na ang elements nila sa mga hindi pa nadidiscover ang element nila? Eto na ba yung twist na sinasabi nya? Lugi kami dito kung ganoon nga. Dapat fair lang ang hatian. Dapat bawat grupo may element holder.

“okay, so I’m done grouping you into two. Now you have to listen carefully to my instructions.”

Habang nagsasalita si sir unti unti akong lumalapit kina Pearl. Nag ni-ninja moves kumbaga. Ayon kay sir, pipili kami ng representatives kada grupo. Ang representatives na yon ang magiging bihag ng kabilang grupo. Edi bale may dalawang bases. Base ng group 1 at base ng group 2. malalaman lang namin na tapos na ang game kapag may narinig kaming putok ng baril.

Simple lang daw ang gagawin. Kelangan lang naming makuha ang representative na iyon mula sa kabilang grupo. Kung sino ang unang grupo na makapagligtas sa kanilang representative ang panalo.

Binigyan na kami ni sir ng tigi-tigisang armor, sakaling may hindi makapag control ng element nya. Paint ball gun naman ang ibinigay sa amin para maging sandata namin. Since wala pa kamig element, kelangan naming ng sandata at armor panlaban sa kabilang grupo. Yung kabila kasi, pwede daw nilang gamitin ang element nila basta daw kayang kontrolin kahit papaano.

Nakakakaba to! Baka madulas ang paint gun ko nito eh! Namamawis nanaman kasi ang mga kamay ko. Huhuhu kawawa ka naman Roshan.

Nagtira kami ng space sa gitna para bang we’re separating the bounderies between our group and their group. Then the surroundings changed. Parang naging isang forrest or something sya. Yun bang mapuno pero medyo maluag pa din yung space. Gets nyo ba?

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now