Chapter 5: firsts

45.3K 1K 53
                                    

Chapter 5: firsts

*Unat unat*


Hay. New day, another beginning. Good morning sunshine! Kamusta na kaya sina inay ngayon? Sayang lang at walang paloadan dito! Kung alam ko lang edi sana hindi ko na nadala etong cellphone ko! Walang kwenta lang din naman pala. At isa pa, walang signal! Aish! Nasaan ba kami ngayon? Tulog ka kasi ng tulog Roshan kaya yan napapala mo! Di mo alam kung nasaan ka na!

Yung book nga pala, kagabi ko binasa ulit. Marami pa akong nalaman sa protocols ng paaralan. Tinabi ko muna sya sa table. Narinig ko din kasi na ngayon daw darating ang buong batch ng nakapasa sa Enchanted Academy test. At sa pagkakaalam ko eh galing sila sa iba't ibang schools. Sana lang magkaroon ako ng kaibigan.

Actually, kung tatanungin nyo ako tungkol kay Jade, hindi ko sya gusto. the past feww days kasi parang iba sya. it's like she've changed. Feeling ko nakikipagplastikan lang sya sa akin eh. Kaya hindi ko sya tinuturing na kaibigan. Ayaw ko syang maging kaibigan.

Nagshower na ako at nagbihis ng isang simple light blue dress. Sasama ako sa pagsalubong sa mga bagong estudyanteng makakasalamuha ko. Excited na akong mameet sila.

Kung tinatanong nyo kung bakit parang ang bilis magbago ng isip ko, kung bakit ngayon excited na ako samantalang dati ay kinamumuhian ko ang Academy na ito, naisip ko kasi na wala na akong magagawa. Kapalaran ko na ito eh, planado na ni God kaya I can't change it anymore.

Lumabas na ako at pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, si ate Sophia ang nakita ko. Naglalakad na din sya papuntng main entrance ng Academy. Mukhang excited sya masyado kasi di na nya ako napansin haha. Nakangit pa din sya as usual. At habang nasa daan ako papuntang main entrance, may narinig akong nagbubulungan. Kahit obvious na sa inyong hindi sila nagbubulungan kasi rinig ko sila. Siguro mas magandang term yung nag tsitsismisan?

"oy sis, ngayon dadating ang mga bagong batch ng The Beginners!"

"oo nga eh! May pogi kaya?"

"syempre no! every batch may pogi!"

"ang rinig ko 82 students daw sila?"

"oo! Ang dami no? yung dalwa daw ng batch nila nakarating na dito"


Gulp! 80 students ang nasa labas? I changed my mind! Pupunta na lang ako diretso sa gymnasium. Oo may gym din dito! Para lang din naman tong normal college school, except the fact that we are capable of holding an element.

Dumeretso na ako sa gym kasi dito daw gaganapin ang welcome ceremony para sa mga The Beginners. Inunahan ko na sila kasi alam ko namang madaming tao ang dadagsa dito mamaya. Baka maipit pa ako pag nakipagsiksikan ako sa kanila pagpasok dito.

Ilang saglit pa ay nagsipuntahan na din sila ng Gymnasium. Syempre, nakipila ako sa mga kalevel ko. May two house ang level ng The Beginners. Ang 'the Indulgent' at ang 'the Studious'.

Bago pa man ako tumungtong sa Enchanted academy, alam ko na kung saang house ako naapunta. Nilagay nila ako sa 'Studious house'. Nalaman ko na dito nila inapply yung test. Sa test na ginawa nila, lalo na yung personality test, dun nila sinosort out kung saan kang house mapapapunta. And that makes sense kahit papaano.

So nakapila na kami, at nasa linya ako ng studious house. Nagkakaraoon ngayon ng election tungkol sa magiging house leader ng bawat levels, kasali ang higher syempre.

Since hindi ko pa sila kilala, sa pagboto, yung mukha ang tinitingnan ko. Tinitingnan ko kung may kakayahan bas yang pamunuan ang house na kinabibilangan ko. Pero dahil sa mostly sa kanila ay magkakaklase, syempre yung power nila ang nanaig.

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now