chapter 17: clue?

25K 585 119
                                    

Chapter 17: clue?

Awas nanaman kami! Hay nakakapagod din pumasok no! no choice kami eh. Wait, eh bakit kaya kami nagaaral ng major subjects like English, math and science? Saan namin gagamitin yan? Ano kinalaman nan sa pagtuklas ng elements naming lahat? Ugh! Nakakastress na talaga to!!! Bakit ngayon ko lang ba natanong sa sarili ko ito kung kelan naman ilang months na ako nag iistay dito.

“Roshan! Una na ako sa room hah!”

“sige Pearl! Una ka na! susunod na lang ako” nagaayos pa kasi ako ng mga gamit, ayaw ko kasi ng makalat e. Ok lang sa akin magpunta don mag isa kasi hindi naman ako maliligaw dito. Familiar na ako sa place na ito. Pero hindi mo maiiwasan na mamiss ko yung outside world.

“Roshan! Una na din ako hah! May liligawan pa ako eh!” woah! Si Nicolo? May liligawan!? Di nga?

“weh?”

“oo nga!” hahaha! Ano kayang itsura nung liligawan nya? Maganda kaya? Mabait?

“siguraduhin mo lang na papasa sa akin yan hah!” I mean it! Ayoko ng mga taong sasaktan ang mga kaibigan ko. Kaya kung isa ka sa mga kaibigan ko, maswerte ka ^_^

“aye aye captain!” sagot nya. Hmm…. Familiar to ah!

“I can’t hear you!?”

“aye aye captain!”

“who lives in a pineapple under the sea?”

Hahaha! Dun pa lang tawanan na kami! Hindi ko ba nasabi sa inyo? Fans kami ni spongebob! Actually nainfluence ko sya dun eh. Nung una korny daw, pero nung pinapanood ko sya ng video ni spongebob sa cellphone ko, nagustuhan na din nya! Hahaha

Nagpaalam na ulit sya at lumabas na. naiwan na lang ako mag isa dito. O diba? Ang bagal kong mag ayos? Haha masanay na kayo!

Naglalakad na ako sa hallway…

Lakad

                                Lakad

                                                                Lakad

Oops! Nalaglag pala yung kwintas ko. Ang likot ko kasi eh. Sanay kasi ako ng kinakalikot yung singsing na nakasabit sa lace ng kwintas at nakasuot sa leeg ko. Gets nyo ba?  kahit naglalakad ako lalo na pag mag isa ako, madalas ko itong ginagawa. Matagal na sa akin tong singsing/kwintas na ito. Bigay pa sakin ni nanay to.

kwintas na nagpapaalala sa akin kay nanay, at maging sa pamilya ko. Binigay to sakin ni nanay nung 7th birthday ko. Kabilinbilinan nga nya sakin wag ko daw iwawala kasi nga daw mahal ang bili nya don. Simple pero magandang singsing na may blue topaz na gem sa gitna. Simple yet beautiful.

Pinulot ko na ito. Buti na lang hindi nasipa nino man ng nandito sa hallway. Kundi lagot ako nito pag uwi ko. Balak ko kasing umuwi pagka field trip namin eh. Pwede naman daw kas---

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now