Chapter 13: the competition

27.9K 709 96
                                    

Chapter 13: the competition

Handa dito handa doon

Takbo dito takbo doon

Tali ng buhok dito tali ng buhok doon

Make up dito, make up doon

Bakit kelangan pa ng ganitong preparations!?!? Pwede namang simple na lang. sasayaw lang naman eh. Konti lang ang percentage ng costumes and props.

Tss, kahit naman anong gawin nilang pagpapaganda, I'm sure we're gonna lose this game. I have this feeling that we are going to be the last. I don't know but it just popped out of my head.

"Roshan bilisan mo na! mag lipstick ka na dito dali!" sabi sa akin ni Yrra, classmate ko din.

You know what, hindi naman sa pagiinarte hah? Pero kasi I hate putting make ups in my face. kasi Their chemicals! ayoko nang may mga make up kasi feeling ko nagmumukha akong clown pag meron nan, madami pa naman silang maglagay at ayokong maging katulad nila.

But I guess I have no choice but to put them on.

Nag practice kami for the last time. Then we proceeded to the gymnasium.

"kaya natin to Studious!" sigaw ni Amber.

Hindi kami nakapag practice masyado kasi nga nagkakasakit si Amber. Eh yung napakagaling naming president ayun! Naka tunganga lang samin lagi.

Kaya alam ko na hindi kami mananalo dito. I know we won't.

Sya nga pala, sabi ng teachers namin possible daw ngayon magpakita ang powers namin. I mean Element na hawak namin. Excited ako na kinakabahan. I don't know.

Malapit na magstart ang program. Pinapila na kami.

"good luck satin guys!" sigaw ni President

Good luck your face! Wala nga syang ginawa kundi tumayo sa pintuan at panoorin kami eh!

Nag bunutan na ang mga estudyante kung pang ilan sila mag peperform.

Pang una kami!!! Waaah! What to do?!?!?

"okay! And now! We have our first performer! Lets give a round of applause to 'The Studious!'"

Kabang kaba na ako. Namamawis na kamay ko. Maging buong katawan ko basang basa na.

"Roshan, ok ka lang?" tanong sa akin ni Nicolo.

"ok lang ako hehehe medyo pinagpapawisan lang ng kamay" actually hindi medyo. pinapawisan na talaga ako! hindi kaya ako madulas nandahil sa mga pawis na 'to?

At nagsimula na ang kanta at sumayaw na kami.

Hindi ko na i-eelaborate kasi sobra talagang nakakahiya!

Eto lang masasabi ko. Walang energy. Siguro kulang lang pala sa energy. Panigt ang pagkakasayaw at medyo nagkakagulo gulo ang mga estudyante.

Hanggang natapos ang sayaw. Oo, binigay namin lahat ang best namin. Kahit alam kong walang pag asa kaming manalo.

Pagkatapos ng presentation namin, umalis na ako don sa gym. Naglakad lakad muna ako. Maya maya lang kasi announcement na ng winners. Mablis lang yun. Tig 2 minutes lang naman ang presentation eh.

Diba sabi nila, makakatulong daw to sa mga nasalanta ng bagyo? Inexplain na samin yan kanina.

Lahat ng performance ay naiirecord nila. Ang mananalo, yung video ng performance nila ay iooffer nila sa TV commercials. Yung mga perang maiipon nila, yung ang pambibili ng mga relief goods na ibibigay sa nasalanta ng bagyo.

Enchanted Academy [editing]Onde histórias criam vida. Descubra agora