chapter 20: fieldtrip: museum

27.1K 581 101
                                    

Chapter 20: fieldtrip: museum

Roshan POV

Waaah!!! Maaga akong nagising ngayon! Nakapatay pa ang ilaw sa academy at hindi pa nagising si ms. Sunny the sun gising na ako! Hindi naman kasi talaga ako natulog eh haha! Sa sobrang excited ko hindi na ako nakatulog. Ganon din ba kayo?

Nakatitig lang ako sa orasan. Tapos na akong maligo, kumain at mag ayos ng gamit! Oh diba? Excited much lang! si Pearl naman na seat mate ko, ayun naliligo pa. bagal ngang kumilos eh!

Ayan na!!! five...

Four...

Three...

Two...

One...

Mabilis akong kumaripas ng takbo papunta sa CR para katukin na si Pearl na sobrang kupad kumilos. Halos mawasak na yung pintuan. Nung nakalabas na sya, agad kong binato sa kanya yung damit nya at iniwan na sya sa kwarto.

"Pearl! Intayin na lang kita sa us ah!!!" sigaw ko sa kanya. At sabay takbo na ulit sa bus.

Nang makarating ako dito, may mga tao na din. Umupo na ako sa may gitnang bahagi ng bus. Syempre sa may bintana ako! favorite ko kasi ang place na to pag nasakay sa bus.

Ilang minuto pa at nakita ko na si Pearl na papapunta dito. Agad naman akong kumaway sa kanya. Napansin naman nya ako at umupo na sa tabi ko. Para nga syang naiinis eh. Ewan ko ba haha. But I'll not mind her. Malay ko ba kung anong kinasisimangot nya.

Hawak ko ngayon yung phone ko. Sinave ko talaga battery nito! Nawawala kasi charger ko eh. So yon, tinitingnan ko ngayon yung mga pictures sa phone ko. Picture ng pamilya ko, at picture din ng mga kaibigan ko.

"hindi mo pa din talaga sila nakakalimutan ano?"

I just nod as an answer. Tama si Pearl, Kahit months na ang nakalilipas simula nung umalis ako sa CIS, hindi ko pa din sila nakakalimutan. Mahirap kalimutan ang mga taong once na naging part ng chapter ng buhay mo. Mahirap kalimutan ang mga taong nagpasiya, dumamay at tumulong sayo. Mahirap kalimutan ang mga taong nagmahal at tumanggap sayo.

Kahit na matagal kaming hindi nagkita, hindi ko pwedeng basta basta kalmutan ang pinagsamahan namin. Halos magkakapatid na nga ang turingan naming lahat eh. I treasure my moments with them. I treasure the happiness and sadness that we shared. And I treasure our friendship the most. Sana walang magbago. Sana gaya pa din ng dati ang lahat.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Malayo layo pa din kasi ang biyahe. Ayon ito sa tour guide, na isang memory holder user na ibig sabihin ay wala syang nakakalimutan na daanan. Yung bang once mong mapuntahan lang kaya mo nang maalala ang lahat ng pasikot sikot na daan. In short, hindi sila naliligaw.

*After a few hours...

"Roshan tara na, bababa na" minulat ko ang mata ko at tumayo na.

Teka... bakit ako nakasakay sa isang kotse? Sa pagkakatanda ko nasa isa akong bus kasama ang mga school mates ko at nasa isang fieldtrip kami.

Sa pagtataka ko, nagpatupatuloy akong bumba ng kotse. Tiningnan ko ang suot ko at naka black dress ako. Ano bang meron dito?

Patuloy akong nagmasid sa paligid. May lumapit naman sa aking isang babae. Hindi ko sya mamukhaan. Para bang familiar sya sa akin yet hindi ko sya makilala. Matangkad na maputi, yan lang ang masasabi ko.

"halika na Roshan" sabi nung babae. Sa tantya ko, kasing edad ko lang sya. Hindi ko alam pero para akong nahipnotismo at sumunod sa bawat yapak nya. Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang malaking kastilyo.

Enchanted Academy [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon