chapter 30: revelation I

21.7K 487 20
                                    

Chapter 30: revelation I

Blair POV

 

Nagising na lang ako sa kaluskos na narinig ko. Nasa taas na parte kasi ako ng double deck eh kaya pag dumungaw ako sa baba, kita ko kung ano ang nagyayari sa kwarto.

"Amber, san punta mo?" nagtataka ako kasi nasa baba sya eh sa pagkakaalam ko taas din sya ng double deck. Tapos yung dalawa naming kasama ay nasa baba.

"hoy! Saan ka pupunta?"

Tuloy lang sya sa paglalakad. Mabagal kaya naman medyo creepy. Kasi naman diba yung mga ibang nasasapian kapag sa una mabagal lang maglakad. Akala mo kaibigan mo pero pag harap nya multo pala. Yung ganon ba. Pero...Aba! Hindi ako pinapansin! Deadma lang?

Nagsuklay muna ako ng buhok gamit ang kamay ko. Syempre dapat maganda pa rin! baka sa aming dalawa, ako pa ang mapagkamalang multo

Bumaba na ako sa kama ko at sinundan si Amber. Papunta na sya sa may pintuan, palabas ata to?

Pero nagtaka ako nang bigla syang bumunggo sa pintuan. Yung totoo? Naghahanap ba sya ng sakit ng katawan? Tinawag ko ulit sya pero patuloy lang sya sa pagbangga nya sa sarili nya sa pintuan.

"hoy Amber! Sawa ka na ba sa buhay mo at naghahanap ka ng sakit ng katawan?"

"hoy! Aba! Ano ako invisible?"

Napatigil ako sa kinatatayuan ko.

Invisible

Wait... no... I can't be invisible.

Nilapitan ko si Amber. Nakita kong nakapikit sya habang patuloy na binabangga ang kanyang sarili. Hinila ko sya sa isang part ng kwarto.

"Hoy Amber! Gising ka ba hah!?!?"

No reaction lang si Amber. Bwisit! Sleepwalker pala tong babaeng to! Anong gagawin ko?

Kiniliti ko sya. Sinabunutan, pinilit na imulat ang mata pero walang epekto. Aish! No choice but to...

*slap*

 

Biglang nagising si Amber. Phew! Takot ako dun hah! Kala ko tuluyan nang nasapian tong si Amber the Hamberger at pinipilit na tumagos sa pintuan eh. Sasabihin ko na nga sana na 'yung totoo Amber? Nakalimutan mo na bang may element ka na? wala pang ni isa sa history na nagmay-ari na ng dalawang elements!'

"Hoy Blair! Nababaliw ka na ba!? bakit mo naman ako sinampal hah!?"

"aish! Bahala ka nga jan! ewan ko sayo!"

Ako? Ako nababaliw? Sino kaya ang mas nababaliw sa amin!? Ako na sinampal sya para magising sya? O sya na pinipilit ang sarili nya na tumagos sa pintuan? Aish! Bahala nga sya jan!

Roshan POV

 

"oh Nicolo, anong ginagawa mo dito? Hating gabi na ah?"

Quarter to one na nga ang oras ngayon eh. Anong ginagawa nito sa kwarto ko? Buti nakapasok sya dito ng hindi nahuhuli ng guards o kung sino mang bantay. Sa pagkakaalam ko kasi mahigpit ang bantay sa girl's dorm eh.

"research lang Roshan. Hayaan mo na ako" tss. Talagang ito, wala nang maisip kundi ang lil sis nya. Curious talaga ako kung pano at kalian malalaman ni Micla ang tunay na buhay nya. What reaction will she show?

"nagpapakahirap ka palagi sa pagreresearch. Di kaya maging isa kang researcher?" pabiro kong sabi sa kanya. Pero I think sineryoso nya ito.

"oo. May balak talaga ako. Gusto ko maging detective dahil gusto kong masolve ang misteryo sa mundong ito." May pinanghuhugutan ah. Pero nakakatakot sya pag seryoso T_T

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now