chapter 24: legendary

25K 529 39
                                    

Chapter 24: legendary

“Micla” yan lang ang lumabas sa bibig ko nang Makita kong nagbago ang kulay ng mata nya. Ibang iba sya ngayon. Parang ibang kaluluwa ang meron sa katawan nya.

Narinig ko na lang ang malakas na kalabog ng pintuan na sinundan ng pagtakbo ng mga taong pumasok dito.

“Roshan ayos ka lang?” narinig kong sambit ni Blair

Nakita ko naman si ate Ermyde na muling nilagay ang kamay nya sa noo ni Micla para mapakalma ito. Muli, nahimbing sa tulog si Micla.

“anong nangyare?” tanong sa akin ni ate Emryde pero hindi pa din ako maka get over sa nakita ko.

“sa tingin ko hindi pa kita makakausap ng ayos ngayon. Lets just get ready to go back to EA” yan na lang ang narinig ko mula sa kanila. At sumakay na nga kami sa bus, kasama ang natutulog na si Micla.

Micla POV

 

Nagising na lang ako na nasa EA na pala ako. Ang huli ko lang naaalala ay ang pagsangga ko sa mga palong binibigay ng babaeng nanghampas sa akin sa park.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa kwarto ko na pala ako. Hindi ko man lang namalayan na dinala na nila ako dito. Bigla akong nakarinig ng pagbukas ng pinto. At sabay tumambad sa akin si Roshan na may daladalang sulyaw.

“kamusta na ang pakiramdam mo Micla?” tanong nya sa akin.

“medyo mabuti buti na. matanong ko lang Roshan, anong nangyari?”

Umupo sya sa may tabi ko at inilaag ang dala nya sa table sa gilid ng kama ko. Inassemble nya ang maliit na table na ginagamit kapag may breakfast in bed ka.

“kumain ka muna, legendary” nakita kong may namuong ngiti sa muha nya. Pero, legendary?

“anong pinagsasasabi mo?” tanong ko sa kanya. Ibinigay muna nya sa akin ang kutsara at sinenyasan ako na sumubo muna ako ng soup na dala nya. Agad ko naman itong ginawa.

“ganito kasi iyon” nagsimula na syang magkwento sa nangyari.

Ayon sa kanya, nakarinig daw sila Nicolo at ng mga kaibigan nya sa park ng malakas na sigaw na sinundan ng isang lindol. Nang matapos daw ang lindol, hinanap nila kung saan nanggaling ang sigaw at natagpuan nila ako sa park na may dugo sa kanang bahagi ng ulo ko. Baka daw napatama ito sa batong nakita nila malapit sa ulunan ko.

Agad daw akong binuhat ni Nicolo papunta sa hotel clinic. Doon daw ako ginamot ni ate Emryde. Nung siya na lang daw ang natirang nagbabantay sa akin, bigla daw nagbukas ang mga mata ko at ang kulay daw nito ay kulay ng lupa. Pagkatapos daw noon ay dumating na sina ate Emryde at tuluyan na akong pinakalma.

“matapos noon ay kinausap ako ni ate Emryde. At ayon sa kanya, ikaw ang legendary Earth element holder” masayang balita nya sa akin.

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now