chapter 25: accused

19.9K 518 8
                                    

Chapter 25: accused

Pagdating naming tatlo nila Blair at Nicolo, nakita naming nagkumpulan ang mga estudyante sa corridor. Tapos, bigla na lang may sumigaw.

" GUYS! PUMUNTA DAW TAYO SA CONFERENCE ROOM NG EA. MAY ANNOUNCEMENT DAW ANG HEADMASTER"

Hindi ko na inalam pa kung sino ang sumigaw kaya pumunta na ako sa conference room. Malawak ang conference room kaya kasyang kasya ang lahat ng estudyante nito. But unfortunately, hindi lahat ay nakapunta dahil ang iba ay busy sa mga ginagawa nila.

Pagkadating namin dito ay nakita naming madami dami nang tao. Nakita din namin sila Roshan at MIcla na ngayoy maayos na ang lagay.

"anong meron?" tanong ni Blair pero nag shrug na lang sila.

Maya maya pa ay dumating na ang headmaster kasama ang kanyang Secretary. Wait... ako lang ba ang nakapansin? Parang iba ata ang mukha ng secretary ng headmaster ngayon compared noong mga times na pinapatawag ako sa office nila. Aish. Baka day off lang nung isang secretary ni sir.

Kinuha na ng headmaster ang Microphone at nagsalita

"dear students of Enchanted Academy, I am here for two purposes. First,..." napatigil kami dahil sa pakikinig sa headmaster. We suddenly felt the urge to remain silent. This might be something really important. Hindi naman siguro kami sasadyain ni Headmaster kung hindi ito importante hindi ba?

"I'm proud to say that the two legendary element holder just showed up. This means that the new generation of legendaries are the time for them to show up. Alam naman nating lahat na once na nagpakita na ang isa o dalawang legendary, sunod sunod na ang pagpapakita ng iba hindi ba?"''

Tumango tango na lang kami bilang pagsang ayon. Maya maya pa ay nagsalita syang muli.

"for now, I won't name them yet. But I guess kilala nyo na sila. Sa bilis ba namang lumaganap ng tsismis" pabirong sabi ng headmaster. Totoo yon! Madami talagang tsismosa dito. Madaming judgemental na tao dito.

"for the second reason why I'm here, I'm concerned with my students." Eh? For what?

"I've been hearing things that my students weren't on their best behaviors. So I might as well do you some favors." I don't know but I feel that I wouldn't want to hear this out.

"I, no, we decided you on a counseling test/activity. This will just happen for a day, but that will be equivalent in three days. Why? Because we will use the tim controller elementalists. Let me introduce them to you." Tumayo ang isang babae at isang lalaki sa stage. Magkamukha sila, so I wouldn't be shocked if they were twins. Pero I think wala na akong ganang making pa.

Pupuntahan ko sana sina Roshan para makipagusap na lang sa kanya nang mapansin kong wala na sila nila Micla at Nicolo. Bale si Blair na lang at ako ang natira dito.

"Blair, nasaan sila?" tanong ko sa kanya pero nakatulala lang sya sa isa lalaking nasa stage, yung isa sa kambal. I smell something fishy.

"ewan" tipid na sagot nya sa akin. Hays... sinagot ako nang hindi man lang inaalis ang tingin sa lalaking nasa stage. And imagine that? Sa buong talambuhay ng pagkakaibigan at paguusap naming dalawa ni Blair, ngayon lang nyan ako sinagot ng one word! Ugh!

"samahan mo ako, pupuntahan ko sila" pakiusap ko sa kanya pero hindi sya kumibo. Hinila ko na sya pero marahas nya lang akong itinaboy at sabing dun lang daw sya. Aalamin pa daw nya ang pangalan ng time controller. Ang kerengkeng nga naman...

Lumabas na lang ako nang may narinig akong boses sa may corridor. Ang boses na iyon. Yun nga ang boses ng kasama ni Daisy. Sinilip ko kung saan nanggagaling ang boses at nagulat ako sa nakita ko.

Enchanted Academy [editing]Where stories live. Discover now