Chapter 1

200K 4K 808
                                    

Third person's POV.

Huminto ang kotse ni Thunder sa tapat ng puting chapel dito sa loob ng village nila.

Maraming tao sa labas, lahat ay kakilala nya. Mula sa kotse ay natanaw nya si Sanya na akay akay ni Josh. Mugtong mugto ang mata nito at parang nanghihina.

Bumigat ang pakiramdam nya.
He still can't accept the fact.
Bumaba sya ng sasakyan, na nanginginig.

Sinalubong sya ng magulang nya na kapwa pugto ang mata lalo na si Sunshine na itinuturing ng anak si Akira at Luna.

"Anak, mabuti naman at pumunta ka na, huling lamay na ngayon" Saros said in a grieving tone.

"No! Hindi totoo to, uuwi si Aki" hindi nya na napigilan ang sariling magbagsakan ang luha.

"Thunder, wala na si Akira. Patay na sila ni Luna" sabi ni Sunshine na umiyak na din, hindi nya napigilan ang sarili dahil alam nya kung gano kasakit ang pagkamatay ng mga asawa ng anak nya.

"Hindi ko kaya ma, hindi ko kaya. God no! This is not happening please ma" humahagulgol na si Thunder.

Hindi sya yung tipo ng tao na mahina but his wife is his greatest weakness.

"I'm sorry anak, I can't do anything to ease your pain. Mahirap din para sakin to because both of them our like my own daughter"

"Only Akira can ease this pain, so tell me how can I surpass this? Gusto ko na lang ding mamatay. Sana ako na lang"

"You have to be strong for your daughter, for Celestine. Nasaan man si Akira, paniguradong hindi sya matutuwa kung makikita ka nyang ganyan" Saros

Napahinto sya sa pag iyak. Damn how could he forget his daughter. Kung masakit para sa kanya ang pagkawala ni Akira, paniguradong mas malala iyon kay Celestine. She's just 6 years old.

Pinilit ni Thunder na pakalmahin ang sarili nya. After a minute or two ay nagawa nyang pigilan ang pag iyak.

Inalalayan sya ng magulang nya papasok dahil pakiramdam nya ay babagsak sya. Simula ng mangyari ang insidenteng pumatay sa asawa nya at kay Luna ay hindi sya makatulog at makakain. He can't accept the truth kaya ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta kung saan nakaburol ang labi nila Akira.

Luna and Akira's body are both cremated dahil sa karahasan na natanggap nila ay hindi na sila pwedeng i casket.

Pagpasok pa lang nya sa loob ay sumalubong na sa kanya ang amoy ng bulaklak ng patay. Napatingin din sa kanya ang ilang mga bisita.

Nakita nya sa isang gilid na pilit pinapakalma ni Wendy ang anak nyang panay ang iyak at pagtawag sa namayapa nitong mommy.

Napukol ang atensyon nya sa harapan kung nasaan ang jar ng abo ng asawa nya at ng asawa ng kapatid nyang si Cloud.

"Luna, no no no" katulad nya ay iyak ng iyak ngayon si Cloud. Yakap yakap nito ang jar ng abo ni Luna. Cloud is truly devastated. Mahal na mahal nito ang asawa kaya hindi madali para sa kanya na tanggapin na sa isang iglap ay bigla na lang itong nawala.

Lumapit si Saros sa bunso nyang anak at pilit na inaalo ito.

"No, please don't take away Luna from me. Hindi ko kaya, hindi!" Cloud said in agonizing voice.

Napako ang tingin nya sa kulay asul na jar sa harapan nya. Akira's favorite color.

Marahan syang lumapit dito at sa bawat paghakbang nya palapit dito ay nagsisimula na namang magbagsakan ang luha nya.

Nanghihina nyang hinawakan ang jar ng abo ni Akira.

"Aki, Aki!" humahagulgol nyang pagtawag dito.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now