Chapter 18

110K 3.1K 887
                                    

Thunder's POV.

"Thunder, tulungan mo kong makalaya dito. Pupuntahan ako ni Maxwell dito at isasama nya ko. Hindi pwede yun dahil ikakasal na tayo diba?"

Napailing ako. She totally lost it.

"Hailey, this would be my last visit to you" sabi ko.

"Hindi! Sasama ako sayo, makakatakas ako dito. Marami akong tauhan" sabi nya at luminga linga sa paligid nya. "Narinig mo ba yun? Tinatawag ako ni Maxwell!"

"Wala ka ng mga tauhan Hailey. Naubos na silang lahat" tumayo ako. "I wish you well"

"Thunder, don't leave me" sabi nya na akmang tatayo pero napaupo ulit dahil naka handcuffs sya. "Thunder! Bumalik ka!"

Sigaw ng sigaw si Hailey habang papalabas ako ng kwarto kung saan ko sya binisita.

Nasa mental hospital sya. Nabaliw na sya ng tuluyan.

After nung insidenteng sinalo ni Dmitri ang bala para kay Akira.

Ni raid ng mga tauhan namin ni Cloud ang underground organization ni Hailey. Nung mahuli sya ay tuluyan na syang nawala sa sarili.

Hindi nya matanggap na wala na syang mga galamay at hindi nya tuluyang napatay si Akira.

Sumakay ako ng kotse ko at tinungo ang lugar na itinuro ni Luna sakin.

Mabilis lang akong nakarating doon.

I'm here at the cemetery.
Where Damon's grave is.

Nilapag ko ang dala kong bulaklak sa puntod nya.

Damon Blizzard Ferrero

I sat down in front of his grave.
Bumigat ang pakiramdam ko at para akong maiiyak.

Ganito pala yung feeling na kahit hindi mo na meet yung anak mo, masakit sa pakiramdam na nawala sya.

"Hi" I almost squeaked dahil pinipigil ko ang maluha. "I'm Thunder. Sa tingin ko gaya ng mommy mo ay wala din akong alaala sayo. Ako nga pala ang daddy mo"

I just felt a tear rolled down to my cheek.

"Alam mo sa tingin ko napaka gwapo mong bata, kasi maganda yung ate mo si Celestine. Sa tingin ko sobrang matutuwa yun pag nalaman na may kapatid sya pero her heart will be torn just like mine kapag nalaman nyang wala ka na. Sorry baby, sorry I wasn't able to protect you" pinunasan ko ang mga luhang tuloy tuloy lang sa pagbagsak.

Hindi ko maramdaman na pagiging bakla ang pag iyak ko dahil all I can think is the pain and grief I am feeling right now.

I felt useless and irresponsible lalo na ngayong kaharap ko ang puntod ng pangalawa naming anak ni Akira. I didn't even get to meet him.

Late afternoon na ko umalis sa sementeryo. May mga ilang dumadaan at akala nila ay baliw na ko.

Nag ring ang cellphone ko at sinagot ko iyon. It's my talkative brother.

"Bro, nandito na yung jet. Ikaw na lang ang hinihintay" sabi sakin ni Cloud.

"I own that so wait for me" sabi ko.

"Napakadaya mo talaga! Saan ka ba pupunta? Wag mong sabihing-"

"Yes" sagot ko.

"Are you serious-

"Thunder" hindi na ko nagulat nung inagaw ni Luna ang cellphone at sya na ang kumakausap sakin.

"Hello my more talkatative sister in law" bored kong sagot.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now