Chapter 5

111K 3.4K 507
                                    

Thunder's POV.

"Good evening ladies and gentleman" bati nung co host ni Luna. "Good evening to this beautiful lady beside me"

Tumawa lang si Luna

Napalingon ako kay Cloud. Nakita ko ang paghigpit ng hawak nito sa tinidor.

"Easy" bulong ko.

Kasalukuyan kaming nasa table kasama si Mr. Fernando at Dmitri.
6 seater ang mesa namin.

Biglang umuwi si Hailey dahil daw sumama ang pakiramdam nya.

Katapat ko si Dmitri na katabi si Mr. Fernando, katabi ko naman si Cloud.

May isang bakanteng upuan sa pagitan namin ni Dmitri, ganun din kay Cloud at Mr. Fernando since round table to.

"Ngayon pa lang, gusto ko ng patayin yang katabi ni Luna, tingnan mo yung mga tingin" bulong ni Cloud sakin.

I sighed hindi ko sya masisisi.

"Welcome to the annual auction" sabay na sabi ni Luna at nung partner nya.

Nagsimula na ang auction. Mga small items pa lang naman yun kaya hindi muna namin binigyan ng pansin.

"So, what do you do?" napatigil ang pagtatap ko sa table dahil sa tanong sakin ni Dmitri.

"Business I guess" sagot ko.

"Anong mga business mo sa pinas"

"Marami rami, hindi lang din sa pinas. I dominate mostly in south and north america as well asia and australia" sagot ko.

"See I told you son. He's a great businessman" sabi ni Mr. Fernando.

Tumawa ng bahagya si Dmitri.

"Kaya pala bilib na bilib sayo si dad. How about here in Europe?" tanong nya.

"Nah, nagsisimula pa lang akong dito"

"Really, I can help you with that"

"Really?" bored kong sagot. I want to add kung anong kapalit kung yung asawa ko ba pero pinigil ko ang sarili ko.

"Yes" sagot nya nag ring ang cellphone nya at halos mapatalon ako sa caller na yun.

Akira's picture appeared in the screen of his phone. Gusto kong masuka sa pangalan ng asawa ko doon. Honey?

Really?

He answered it.

"Hon" sagot nya.

Nalukot ko na ng todo ang table napkin na hawak ko dahil sa inis.

"Easy" natatawang bulong sa akin ni Cloud. Nang asar pa ang gago.

"Tapos na ang photoshoot mo? Are you feeling better?"

May sakit ba si Akira?
Damn it sabi ko na nga ba at pinababayaan ng gagong to ang asawa ko.

Once Akira remembers me, Dmitri will start to pay.

"Excuse me" sabi ni Dmitri at tumayo.

Fck bat umalis pa sya, I want to know what my wife's condition.

"Mukhang hindi talaga makakapunta si Akira" bulong ni Cloud.

Tiningnan ko si Mr. Fernando. Naka focus sya sa on going auction at nagbi bid na.

"I don't know, I just want to see her. Gusto kong makumpirma mismo ng sarili kong si Akira talaga yun, na hindi lang sya kamukha or what" I answered.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now