Chapter 7

105K 3K 304
                                    

Akira's POV.

Dinilat ko ang mata ko, alam ko na agad na wala ako sa condo namin ni Luna. I am in Dmitri's room.

Umupo ako at napasapo ako sa ulo ko dahil masakit pa din ito. Muli ko na namang naaalala ang mga matang yun.

Those chocolate eyes

Yung mga matang parang lumulusaw sa buong pagkatao ko kapag tinititigan ako.

Those eyes belong to that guy I met at the auction last night

Thunder Montenegro

Yung tingin nya ay may kakayang guluhin ang buong sistema ko.

Ugh. I must be going crazy! Sabi naman nya hindi nya ko kilala. Ganito na ba ko ka desperadang maaalala ang lahat?

"Hon, you're awake" napatingin ako, pumasok si Dmitri at may dalang tray.

Napangiti ako. Kung may isang bagay na magandang nangyari sakin, simula ng mawala ang alaala ko, yun ay si Dmitri.

He's such a good man kaya hindi na ko nagtataka kung bakit lahat halos ng babae dito sa Italy or kung san man kami mapunta ay nagkakagusto sa kanya.

He's the modern prince charming. Gwapo, mayaman, matalino, at higit sa lahat ubod ng bait.

"Okay ka na ba?" umupo sya sa kama. "Kumain ka muna" he handed me the tray.

"Thank you hon" sabi ko at ngumiti, sinimulan ko ng kainin yung porridge. "Luto mo?"

Ngumiti sya.

"Syempre, sayo ko lang pinapakita yung hidden talent ko" sabi nya kaya tumawa ako.

Gustong gusto talaga ni Dmitri ang maging chef pero dahil solo syang anak, wala syang naging choice kundi ang maging business man.

"Si Luna?" tanong ko.

"Dito din sya natulog kagabi, pero umalis na sya kaninang umaga. Madami daw syang tatapusing design kaya malamang nasa boutique nya na yun" sabi nito sakin.

"Thank you, thank you for everything" I sincerely said to him.

Nakatitig ako sa mga mata nya.

Unlike the guy I frequently dreamt about, itim na itim ang mata ni Dmitri, that makes him more sincere and kind.

"I told you, responsibilidad na kita, kaya wag ka ng magpasalamat pa. Thank you, thank you for loving me" he said and then kissed me on the forehead.

Naging official kami ni Dmitri last 3 months ago. He is special to me, but somehow I feel na may kulang, siguro marahil na din sa wala akong maalala.

Tinuloy ko na ang pagkain ko, tiningnan ko ang planner ko na nasa cellphone ko. May photoshoot pala ako ng 3 pm.

"Hon, are we going to visit Damon today?"

Napahinto ako sa pagsubo at pagtingin sa planner ko dahil sa sinabi nya.

Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko at parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Bumalik na naman ang lahat sa akin.

Luna's POV.

"Okay sige, i deliver mo na lang yan dun" sabi ko kay Teria. Sya ang tumatayong assistant ko at minsan ni Akira.

"Sì signora" sabi nya sakin. She means yes ma'am. She's pure Italian. Nakakaintindi lang sya ng tagalog pero hindi nya kayang magsalita.

"Salamat" sabi ko, tumalikod na sya at lumabas dala dala ang box. Bumalik na ko sa pag i sketch ng marinig kong bumukas na naman ang pintuan ng opisina ko dito sa boutique.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now