Chapter 12

97.2K 2.9K 379
                                    

Thunder's POV.

"Ang ganda pa din talaga ng bestfriend ko" sabi ni Sanya.

I sighed.

"Hindi pa ba kayo babalik sa suite nyo?" bored kong tanong kay Sanya.

Nagkibit balikat lang si Josh sakin.

"Che! Ako kaya ang bestfriend, ipinagdadamot mo sakin si Aki" sabi ni Sanya. Inipit nito sa tenga ni Akira ang strands ng buhok na nakatabing sa mukha nito kanina.

"Pero sino namang gagawa nun kay Akira? Bakit papasabugin ang kotse nya?" tanong ni Josh.

"I don't know, maybe reason din yun kung bakit matindi ang trauma at pagpa panic nya. I should have known hindi ko sana sya binigla. Muntik na syang mawala sakin kanina" I said.

Binabagabag talaga ako sa tuwing naiisip ko yung nangyari kaninang umaga.

"Mabuti nga at napigilan mo sya, I think yung nag trigger ng bomba is yung pagbukas ng lock ng kotse ni Akira, mabuti na lang at may remote key sya. God! We all know Aki, napakabait nito, sino namang walang konsensya ang gagawa nun" Sanya.

"Oo nga, pero thinking of it. Hindi kaya yung nagpapatay kay Luna at Akira noon sa pilipinas ay sya ring gumagawa nito?" Josh.

Napatingin ako sa natutulog kong asawa. Mabuti na lang talaga okay sya dahil kung hindi, baka nabaliw na talaga ako. I can't afford to lose her twice.

Pero gaya ng sabi ni Josh, hindi pa nga namin nahuhuli hanggang ngayon ang nagpapatay kay Akira at Luna. Wala pa ring trace, is it possible na sila ulit ang gumagawa nito?

The big question is why?
Anong atraso ng asawa ko at asawa ng kapatid ko sa kanila?

My thoughts are interrupted nung may mag doorbell.

I smirked. Nawi weirduhan naman akong tiningnan ni Sanya at Josh habang naglalakad papunta sa main door.

I opened it.

"I knew you would come but I never expected you to be this late" I said in a mocking tone.

"Where is she?" cold nyang tanong.

"My wife you mean Mr. Willford?" sabi ko.

Yes it's Dmitri

He looked at me glumly.

"I didn't came here to fight with you, and I think I belittle your power. Hindi agad ako nakapasok sa hotel na to because you are a VVIP and you are highly protected. Look Thunder, I still don't believe you are his husband but please I want to know and see Akira's condition" he said in a pleading tone.

It's not the first time I had a rival.
My brother had been my rival for quite a long time.

Pero si Dmitri, kalaban ko sya sa asawa ko pero hindi sya kasing aggressive at kayabang ng kapatid kong si Cloud. Which is giving me a great fear.

Great fear that my wife will fall or worst had really fallen in love with him. Sumikip ang dibdib ko sa iniisip kong yun.

I looked at him seriously bago ko binuksan ang pintuan para makapasok sya.

Doon ko lang din napansin na maraming tauhan syang nasa labas.

Sinundan ko si Dmitri nung pumasok sya.

"Aki" mabilis syang lumapit kay Akira kaya nagulat si Sanya.

"Sino ka naman aber?" mataray na sabi ni Sanya.

"I'm her boyfriend" Dmitri said while holding my wife's hand. Damn! Gusto ko syang sapakin kung hindi lang sana nagpapahinga si Akira.

Sanya looked at me pero nag iwas ako ng tingin. Ayokong tanungin ako ng taratitat na bestfriend ng misis ko.
She's so loud sometimes pero she's a good friend to keep. No wonder since kinder pa lang ata magkasama na silang dalawa.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now