Chapter 9

104K 3.1K 521
                                    

Thunder's POV.

"What?!" sigaw nya sakin.

"Hailey calm down please" sabi ko.

Napaupo sya at sinapo ng palad nya ang mukha nya. She started sobbing.

"Hailey, wag ka namang ganyan" sabi ko. "You know how badly I want Akira back. Hindi sya namatay"

"Pero ako Thunder? Alam mo ba how badly I want you?! Kaya nga sobrang saya ko nung naging tayo diba? Tapos ano porket may dumating na babaeng kamukha ng asawa mo bigla mo na lang akong iiwan?"

"She's Akira!" sigaw ko kaya napatulala sya sakin.

"She's not, may inilibing tayo sa pilipinas! Makinig ka Thunder baka masamang tao yang nagpapanggap na si Akira" tumayo sya para hawakan ako pero tinabig ko yun.

"Shut up! I know who's my wife! Alam ko every details about her kaya hindi ako nagkakamali"

Bumagsak ang balikat nya at nag iiyak.

"Why can't you let yourself be happy with me, I can make you happy" hindi ako sumagot. "Let's talk about this Thunder some other time please, hindi ko kayang i let go ka, you're my life now. At sana matandaan mo, kung anong mga nagawa ko for you sa nakalipas na dalawang taon na wala ang asawa mo" she sadly said bago lumabas ng suite ko.

Tumingin ako sa bintana, 2 pm na. Base sa resource ko may commercial shooting sa isang nearby park si Akira. I'm planning to go, namiss ko agad sya.

Habang nasa shower ako ay naaalala ko na naman, how I met Hailey.

Nagpunta sya nun sa burol ni Akira at Luna, she said na kaibigan sya ni Luna and na meet nya ang asawa ko an hour before the accident.

Doon nagsimulang maging close kami, she started as my drinking buddy hanggang sa naging girlfriend ko sya.

Mabilis kong inayos ang sarili ko nung mapahinto ako dahil nagriring ang cellphone ko.

I though it's just a call from a client pero natuwa ako ng makita kong videocall and it's from Celestine.

Sinagot ko iyon, I instantly smile nung makita ko ang mini me ni Akira.

"Baby" bati ko dito.

"Daddy! I missed you!" naka pout nyang sabi.

"You look like your mom when you do that" sabi ko.

Lumungkot ang mukha nya.

"I don't know, wala naman si mommy dito para malaman ko kung totoo" huminto sya. "I missed mommy"

"I know baby"

Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya ang tungkol kay Akira.

"Wag ka ng malungkot. I have a surprise for you when I get home"

"Really daddy? Ano po?"

Your mom

"Secret" sabi ko.

Hindi ko muna sasabihin sa kanya, gusto kong ma surprise sya kung sakaling maiuwi ko si Akira.

Wala naman din akong balak umalis ng Italya without Akira.

Nag usap pa kami ni Celestine about her school before she hungs up dahil kakain na daw sya.

I rushed nung makita kong 3:30 pm na. Malamang nag start na ang photoshoot ni Akira.

Mabilis akong nakarating sa park. Marami rami ding taong nanonood. I never knew my wife can have this many people, admiring her.

I felt so proud.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now