Chapter 15

103K 3K 394
                                    

Akira's POV.

"C'mon hon, take a rest" sabi sakin ni Dmitri habant nagsusuot na ko ng heels ko.

"No hon, may photoshoot ako at magazine launching today" I said.

"Yes I know pero masyado ka ng napapagod. You've been like this for a week. Masyado mong ginugugol ang oras mo sa trabaho" humarang sya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Napaangat ako ng tingin. "Is there something bothering you?" he added.

Saglit akong natigilan.

"W-wala. Ayos lang ako. Gusto ko lang talaga yung trabaho ko. That's why I'm doing this. Sige na hon. Aalis na ko, male late na ko" sabi ko.

"I'll drive you" sabi nya.

"Wag na. Ako na magda drive sa sarili ko. Magpahinga ka na lang okay?" sabi ko.

He sighed.

"Okay, call me when you get there" sabi nya bago ako hinalikan sa noo.

Habang nagmamaneho ako ay may nadaanan akong mag asawa. Nakaalalay yung lalaking asawa nya sa asawa nyang buntis.

I smiled bitterly.
Kung hindi siguro nawala ang alaala ko at wala itong gustong pumatay sakin ay napainganak ko siguro si Damon with Thunder by my side.

Si Thunder
Si Thunder na naman.
Sya ang dahilan kung bakit inuubos ko ang oras ko sa pagtatrabaho.
Katulad ngayon, kapag hindi ako busy ay sumasagi sya sa isipan ko.
Halos mag i isang linggo na pero hindi ko na sya nakita pa.
Siguro nalaman nya ng buntis si Hailey at masaya na sila ngayon.

God! What am I thinking?
I look pathetic!
Tama na to Akira, you have Dmitri. He have Hailey.
Wala na tapos na.
Matagal ng tapos ang love story nyo.
Minsan na lang kayong naging bida ng isa't isang storya.

I missed him but it all got complicated now. Madami na kaming masasaktan at maa agrabyado.

This is how hard I fight the urge to come and see Thunder.
The urge to hug and kiss him
Fvck this is hard.

Thunder's POV.

Hawak hawak ko ang ulo ko dahil sobrang nananakit ito.

"May hangover ka pa ata pre" sabi ni Josh sakin habang nagmamaneho ng sasakyan ko.

I can't drive fvck hangover.

"Ayan nagagawa ng inom inom. O ito ang gamot" sabi ni Sanya at inabutan ako ng tubig at gamot.

"Blame your bestfriend" sabi ko at ininom na ang binigay nya.

"Tama, si Akira naman kasi bat naman ganun sya, akala ko smooth sailing na" sabi ni Josh

"Ewan ko, I can't understand her" sabi ni Sanya.

"Maybe she really loves Dmitri, ganun lang yun. Wala na kong magagawa" sabi ko.

Nakaramdam na naman ako ng sakit. How she said those words to me is too excruciating.
It felt like she's not my wife at all.
Ibang iba ang Akira na yun.
Natatatakot ako na baka tuluyan na syang nilamon ng bagong identity nya na kahit makaalala sya ay wala na ring kwenta.

I closed my eyes.

"Ano bang sabi ni Cloud? Ano bang nangyari kay Luna?" tanong ko.

Nagising ako dahil sa pagkalampag ni Josh sa unit ko, nakita ko ring ang daming missed call ni Cloud.

Papunta kami sa ospital ngayon dahil may nangyari daw kay Luna.

"Umuwi daw si Luna saglit sa condo nila ni Aki para yata may kuning gamit kaso may mga taong nandun at pinagtangkaan syang patayin pero nakatakbo si Luna. She took the emergency stair pero nalaglag naman daw to at nabagok luckily may mga nakakita sa kanyang mga staff bago pa man sya makuha nung mga papatay sa kanya. They rushed her to the hospital, grabe alalang alala si Cloud" Josh.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now