Chapter 3

121K 3.5K 615
                                    

Thunder's POV.

"Hindi ka pa din ba naniniwala kay Sanya bro?" tanong sakin ni Josh habang inaayos ko ang neck tie ko.

"Why should I? My wife died 2 years ago. Paanong mapupunta sya dito sa Italy. You said it yourself, mukhang mataray yung babae at nag i italian. We know that Aki don't speak italian at mas lalong hindi mataray yun" sagot ko.

Bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing napapag usapan si Akira, parang gusto kong magmukmok na lang at mag iiyak. I know it sound so gay pero iba talaga kapag nawala yung taong pinapangarap mong makasama habang buhay.

Hindi ako magsisinungaling na na-curious ako sa sinasabing babae ni Sanya pero hindi ko magawang maniwala. If Akira is really alive, uuwi sya samin. Hindi nya kami matitiis ni Celestine. She's a good wife and a mother.

"Oo nga, pero magkamukhang magkamukha sila. Iba lang ang kulay ng buhok. Hindi ko alam, nalilito din ako" sabi ni Josh.

I sighed.

"Wag na natin tong pag usapan. May bago akong client na target dito sa Italy na kailangang i impress so I'm going out" sabi ko.

"Nasaan si Hailey? Kasama mo ba sya?" Josh

"Yeah, sasama sya" sabi ko.

"Seryoso tol, maghahakot ka pa talaga ng client dito sa Italy e alam mo namang not in good terms itong bansang to at pilipinas. Diba nga news black out ang pinas sa lahat ng balita sa Italy. Akala ko tatapusin na lang natin ang kontrata kay Mr. Ricci"

"I don't give a damn. Hindi ko kasalanan na mayabang ang presidente natin at mahilig makipag away sa kapwa nya presidente kaya nagka news black out at nahinto pagti trade ng bansa natin dito sa Italy. This is a rare opportunity Josh. Bibihira ang mga business man na galing asia ang nakakapag dominate sa Europe. It's my chance. I ain't letting it go" I said.

Cloud's POV.

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. 7:15 pm pa lang pala. 8 pm pa ang start ng auction na pupuntahan namin ni Thunder. I stopped calling him kuya dahil ang tanda na namin at medyo awkward pag nasa business industry ka.

Bored kong pinaikot ang kamay ko sa rim ng cup ng kapeng iniinom ko.

Napansin kong kumaway sakin yung isang babae sa kabilang table pero kinunutan ko lang sya ng noo.

I don'y have time to flirt.
I used to be happy and positive person pero simula ng mamatay si Luna, parang nilukob ng dilim at lungkot ang buong mundo ko.

I just want to be alone, kung may gusto man akong kausap ay si Thunder lang yun, namatay din si Akira kasama ni Luna kaya we both share the same sorrow and pain at alam kong pang habang buhay ito.

Si Celestine, sya ang nagsisilbing happy pill naming magkapatid. I regret na hindi man lang kami nagka baby ni Luna bago sya kinuna ng diyos sakin e di sana meron din akong remembrance nya.

My Luna, god how I missed her!
Hinding hindi mapapalitan ng kung sinuman ang asawa ko.

Hindi ko maintindihan si Thunder kung bakit nag girlfriend pa sya when we all know na hindi pa sya nakaka get over sa pagkawala ni Aki.

Muli akong napatingin dun sa table nung babae at para akong binuhas ng malamig na tubig.

Hindi dahil sa babaeng ngumingiti sakin kung hindi dahil sa babaeng naglalakad sa likod nito. Sa tawid iyon pero kilalang kilala ko to kahit naka side view.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now