Ikaapat na Kabanata

540 109 15
                                    

Ikaapat na Kabanata

Kinabukasan ay pumasok ako nang masaya dahil bukod sa excited akong makita si Jairo ay dinagdagan ni Nanay ang baon ko. Ako raw ang nagdala ng suwerte sa buhay namin kaya dapat lang na magamit ko ang blessing na 'yon.

Pagdating ko sa classroom ay agad nahagip ng mga mata ko si Jairo. Bigla akong namula nang maalala ko ang sinabi ko sa kanya kagabi habang magkausap kami sa cell phone. Bigla tuloy akong nahiya. Ano'ng sasabihin ko kapag tinanong niya ako tungkol doon?! Sabihin mo sa kanyang mahal mo siya bilang kaibigan. Gano'n din naman siya sa 'yo, 'di ba? Gusto ka lang niya bilang kaibigan.

Huminga ako nang malalim. Bakit nga ba ako mahihiya e kaibigan lang din naman ang tingin niya sa akin?

Pumasok na ako sa classroom at nagdiretso sa puwesto ko.

"Good morning, Syd!"

"G-good morning, Jairo."

Tumingin siya sa akin saka ngumisi. "Syd . . ."

Hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Bigla akong kinabahan. Don't tell me naaalala niya 'yong tungkol sa I love you thing? At tatanungin na niya ako tungkol doon. No way!

"B-bakit?"

Ngumisi pa siya saka ako inakbayan. "Ililibre mo 'ko mamaya, a! Sigurado 'kong may pera ka ngayon." Saka siya natawa.

Natawa rin ako saka napahinga nang malalim. Thank God, at hindi iyon ang binanggit niya.

"Oo ba! Saan ba tayo mamaya?"

"Doon na lang tayo sa eat-all-you-can para makatipid ka."

Pumayag naman ako. Inilabas ko ang libro namin sa history at kunwaring nagbasa. Pero ang totoo'y umiiwas lang ako na makakuwentuhan si Jairo nang matagal dahil ayokong mapag-usapan ang tungkol sa I love you thing. Bakit ba naman kasi dumulas ang bibig ko?! Kainis!

Nang hapon ding iyon ay nagpunta kami nina Nanay at Tatay sa sinabing address ni Mrs. Ruby. Isinama ko na rin si Jairo para sabay-sabay ko na silang ililibre.

Isang cheke ang ibinigay sa akin ni Mrs. Ruby at agad din naman namin iyong ipinalit sa banko. Pagkatapos ay saka kami dumiretso sa isang restaurant para kumain at mag-celebrate.

"Wow! First time akong inilibre ni Sydney. Isang himala 'to!" sabi ni Jairo habang inilalagay ng waiter sa mesa ang mga in-order namin.

Hinampas ko siya sa braso pero tinawanan niya lang ako.

"Syd, I have a suggestion. Magbukas ka na ng bank account. Malay mo sa susunod, manalo ka uli, kung may bank account ka, may mapaglalagyan ka ng pera. O kahit hindi ikaw, si Tita, o kaya si Tito," sabi ni Jairo pagkatapos niyang nguyain ang kinakain niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. May point siya, baka sakaling hindi lang ito ang unang beses na manalo 'ko sa raffle. Baka sakaling masundan pa 'to.

"Sige, pag-uusapan namin 'yan nina Nanay at Tatay." Tumango naman ang mga magulang ko.

Sabay-sabay kaming kumain at masayang nagkuwentuhan. Malapit din si Jairo kina Nanay at Tatay, at tuwang-tuwa sila dahil may isang Jairo sa buhay ko. Napangiti nga ako nang sabihin nila 'yon. Masuwerte talaga ako na may isang Jairo sa buhay ko.

***

Ang unang ginawa namin sa perang napanalunan ko ay ang pagbabayad ng tuition fee ko at ang pagbabayad sa mga utang namin. Hindi pa namin nabayaran lahat dahil kailangan naming magtira ng budget namin at ng pang-entrance exam ko sa college. Pero at least ay nabawasan na.

Rosa MagicaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα