ROSARIA

224 53 4
                                    

ROSARIA

"Tapos na po ang kauna-unahan nating misyon, mahal na reyna!" tuwang-tuwang saad ni Gritie, ang aking custos.

Napangiti naman ako nang makita sina Jairo at Sydney na magkayakap sa loob ng simbahan. "Oo, tapos na nga."

"Mabuti na lang po at nagbago si Sydney. Sa katunayan, mahal na reyna, kinabahan ako noong unti-unti nang kinakain ng kapangyarihan ko ang isip ni Sydney." Nahimigan ko ang takot sa boses ng aking alaga.

Kapag nagpakain sa kapangyarihan ang misyon ko ay naaapektuhan din ang kapangyarihan namin ni Gritie. Humihina kaming dalawa, depende sa kasamaang ginagawa ng misyon ko.

"Tama tayo ng piniling tulungan. Tama tayo sa pagpili natin kay Sydney," nakangiting ani ko. Napangiti rin naman ang aking alaga.

"Kailangan na po nating hanapin ang susunod mong misyon, mahal na reyna."

Napatango ako sa sinabi ni Gritie.

Kailangan ko nang hanapin ang ikalawa. Ang ikalawang misyon. Ang ikalawang kabataan. Ang ikalawang tao na nangangailangan ng tulong ko.

Sino ang susunod? At anong mahika ang gagamitin ko para matulungan siya?



MAGICA SERIES

Soon . . .

Rosa MagicaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt